Chapter 61 Please Wait

930 20 1
                                    

Chapter 61 Please Wait

Sharie Faye Pov.

"HOY! ANO KA BA SHARIE?! KAILAN MO PA BA PAPANSININ SI RONMART?!", galit na tanong sa'kin ni Mhia.

"OO NGA, ALAM MO NAMAN NA NAGSISISI NA SIYA DI BA?! BA'T DI MO SIYA KAYANG MAPATAWAD?!", pahabol naman ni Sharmaine.

Hingang malalim ***sighed***, "Matagal ko na siyang napatawad, kaya lang hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya eh."

"BAKIT NAMAN?!", sabay nilang sinabi.

"Kasi pagsinabi ko sa kanya, wala pa ring magbabago at kung hindi ngayon, hindi bukas ay mag-aaway lang sila ulit dahil sa'kin.", pagpapaliwanag ko sa kanila.

"SHARIE!", sabi sa'kin ni Mhia at tiningnan niya ako sa mata, "SERYOSONG TANONG 'TO, MAHAL MO PA BA SI RONMART?!".

"Ano bang tanong yan? syempre mahal na mahal na mahal ko siya noh! siya lang yung lalaki na mamahalin ko habang buhay!"

"EH GANUN NAMAN PALA! HINDI LANG KAYO YUNG MAY PROBLEMA, PATI KAMI NADADAMAY DIN SA AWAY NIYO, PARANG HINDI NA NAGING MASAYA YUNG PAGBO-BONDING NA'TIN LALONG-LALO NA, NA HINDI PA KAYO NAGKAKABATING DALAWA!"

"Pero ayoko din namang mawala yung pagkakaibigan namin ni Mark, natatakot din akong sabihin na kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya, baka magalit siya sa'kin at mawala na lang bigla yung pinagsamahan naming dalawa nung mga bata pa kami."

"Sabihin na lang natin na yun ang rason mo, pero pa'no naman pagnawala sa'yo si Ronmart? maibabalik mo pa ba yun?"

"Anong ibig mong sabihin?", pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Tandaan mo Sharie, may sakit si Ronmart at kapag nangyari ulit yun sa kanya, ipagdasal mo na lang na sana mabubuhay pa siya.", sabi niya at umalis na silang dalawa.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, nalilito na'ko. Ayoko rin namang maging hadlang si Mark sa'ming dalawa ni Ronmart, at ayoko rin namang makita ko silang dalawa na nag-aaway nang dahil lang sa'kin. "Arghhhh!!!! anong gagawin ko?!"

***kriiiiing!!!!***

May tumawag, "Hello?"

"Yow Sharie!, pwede ba tayong lumabas ulit mamaya?"

"Mark?, bakit? may okasyon ba?"

"Wala naman, gusto lang sana kitang yayaing magdate"

"Date?", alam kong labag 'to sa kaluuban ko pero dapat pumayag ako, kung hindi, hindi niya talaga ako pipigilan."Sige, anong oras?"

"Mga alas-otso ng gabi, pwede ba?"

"Sige alas-otso, sunduin mo na lang ako sa tinutuluyan ko, alam mo naman yung address di ba?"

"Ah, Oo sinabi na sa'kin ng Nanay mo, sige kita-kits na lang tayo mamaya?"

"Sige, bye..."

"Bye", at binaba ko na yung phone ko.

Nung natapos na yung klase naming dalawa ni Ronmart, dumiretso na kaming umuwi at nagbihis na ako para sa date namin ni Mark, "7:30 p.m na pala, kailangan ko nang magmadali", sabi ko habang nagbibihis na ko ng damit pangsuot.

Pagkababa ko ng hagdanan, nakita ako ni Ronmart at parang nagtataka siya kung bakit ako bihis na bihis.

Ronmart June Pov.

Pagdating namin ni Sharie galing ng school, biglang nagmamadali siyang pumunta sa kwarto niya, ewan ko ba kung bakit pero parang may lakad ata siya, di ko lang masabi. Nanood na lang ako ng t.v. kasi parang binabagot na 'ko sa kwarto. Maya-maya ay bumaba na din siya pero nagulat na lang ako ng makita ko siyang nakabihis panglakad.

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon