Chapter 33 Wrong Subject

1K 28 0
                                    

Chapter 33 Wrong Subject

Ronmart June Pov:

“Tama ba ‘tong pinasukan ko? Ba’t mas madami pa yung babae kaysa lalaki?” sabi ko sa sarili ko habang naghahanap ng pwede kong upuan. Wala man akong kakilala sa mga bago kong kaklase pwera na lang kay, SHARIE? Ba’t siya andito?

Wala na kong choice kundi tumabi na lang sa kanya, kaysa naman tumabi sa hindi ko kilala at nakaka-allergic ang mga ugali.

“Ba’t ka andito? Nawawala ka ba?” pagtatakang tanong niya sa’kin.

“Ba’t ka rin andito? Baka ikaw yung nawawala.”

Hindi na lang siya nagsalita pero kitang kita ko pa rin sa mukha niya ang pagtataka. “Hindi ko alam na mahilig ka pala mag-alaga.” mahinang sabi niya.

Anong pinagsasabi niya? Hindi ko talaga siya maintindihan. Nagsimula na ulit magturo yung titser. Bilib din ako sa titser namin, babae? Ayos to ha!

Habang patagal ng patagal yung pagtuturo niya, ako naman pataka ng pataka. Ito na ba yung bagong pagtuturo ng Electricity? Ang mag alaga?

Dahil sa hindi ko na kayang magtaka pa, tinanong ko na talaga si Sharie, “Anong Subject ba ‘to?”

Nagtaka naman siya sa tinanong ko, “Ano?! May pasabi-sabi ka pa na ‘I’m apologize for being late’ tapos tatanungin mo ko niyan?!”

“Sagutin mo na lang ang tanong ko pwede?”

“Care Services” yun lang yung sinabi niya, pero,

.

.

.

.

.

.

.

.

 HINDI ITO YUNG SUBJECT NA PINILI KO!!!

“WUHAAAAAAAAT?!!!” napasigaw na ako dahil sa gulat, kaya naman napatingin sila lahat sa’ming dalawa pati na yung titser.

“May Problema ba kayong dalawa diyan?”tanong ng titser namin.

“Ah wala po, ituloy niyo lang po yung pagtuturo niyo.”sabi ng niya habang nakangti siya. “Ano ka ba?! H’wag ka ngang sumigaw, nasa kalagitnaan tayo ng klase.”

Mali ata yung subject na pinasukan ko, pero ito lang yung merong klase ngayong araw.

“Sharie!”.

“Ano na naman ba?” inis na pagkakasabi niya.

“Hanggang kailan ba tayo tuwing papasok sa subject na ‘to.” Pabulong na sabi ko sa kanya.

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon