Chapter 55 We're in Relationship
Sharie Faye Pov:
Habang kumakain kami kasama yung mga magulang namin ni Ronmart, napag-isipan nila na pag-usapan kaming dalawa. Nakakahiya nga kasi parang kami yung nagiging topic nila.
"Alam mo ba nung bata pa si Ronmart, mahilig na yan talagang kumain ng Adobong Manok, naalala ko pa nga nung nagpaluto kami, mag-uumpisa na sana kaming kumain kaso pagtingin namin ubos na! Siya lang talaga naka-ubos nun!", sabi ng Daddy niya.
"Dad!!!", inis na sinabi niya kaya nagtawanan kaming lahat.
Whahaha!!! "Heto naman si Sharie, naku! paghindi mo yan ginising tuwing umaga, H'wag ka nang maghanda ng agahan sa halip almusal na lang dahil mag a-alas onse na, tulog pa rin yan!"
"Nanay naman eh!!!", anu ba yan, nakakahiya talaga!
Halos masaya talaga yung pag-uusap naming lahat, Maya-maya ay tumayo si Ronmart at parang may gustong sabihin, "Mom, Dad, Nay, Tay may ipagtatapat po sana ako",
Biglang napatahimik silang lahat nung nagsalita si Ronmart at wari'y gusto nilang marinig yung gusto niya sanang sabihin, "Ano kaya yung ipagtatapat niya?", sabi ko sa sarili ko habang umiinom ako ng tubig.
"KAMI NA PO NI SHARIE!"
***PRRRRRUUUUUUUT!!!!****
Agad ko namang naitapon yung iniinom ko dahil sa sinabi niya, "Anak ng tokwa!!! nabigla ako dun ha! Ba't sinabi yun ni Ronmart ng pabigla-bigla?! Naku naman oh!", sabi ko sa sarili ko. Hindi ko talaga alam kung ano yung magiging reaksyon nila, Anu ba yan! Napatakip na lang ako ng mukha kasi natatakot ako sa mga sasabihin nila.
"Congratulation sa inyo!!!"sabay nilang sinabi.
"Huh? hindi ba sila tutol sa aming dalawa?" sabi ko sa sarili ko, as if naman na gusto yun mangyari :P
"Hindi po ba kayo galit sa'ming dalawa dahil may relasyon na po kami?", tanong ko sa Daddy ni Ronmart.
"Bakit naman kami magagalit sa inyo?, sa totoo nga boto nga kami sa'yo kasi dahil sa'yo nagbago yung mahal naming anak kaya masaya ako para sa inyong dalawa."sabi niya sa'kin.
"Nay, Tay kayo po, okay lang po ba sa inyo na maging kami na ng anak niyo?", tanong ni Ronmart kina Tatay at Nanay.
"Syempre naman! kahit na maikli lang yung pagkakilala namin sa'yo, alam kong mabait kang bata at malaki yung tiwala namin na hinding-hindi mo siya lolokohin. Basta ito lang yung taandaan niyong dalawa, h'wag na h'wag niyong pababayaan yung pag-aaral niyo ha?!"payo sa'min ni Nanay.
"Opo!"sabay namin isinigaw ni Ronmart, at nagkatinginan kaming dalawa na nakangiti.
"Cheers for the New Couple!!!"
"Cheers!!!"
Ano ba yan! tama na nga yan!!! Nakakahiya!! hahaha!!
"Wow! Ang ganda pala ng Hawaii!"sabi ko habang pinagmamasdan ko yung paligid pagkababa namin ng eroplano. Nagstay kami sa isang hotel para naman makapagpahinga kami mula sa byahe. "Wow! ang ganda ng beach!!! at may nagsu-surfing!", Grabi talaga ang saya ko kasi first time lang talaga namin mag-out of the Country.
Magkatapos namin pumasok ng kwarto na magiging stay-in namin ay agad na akong nagbihis ng swimsuit para makapag-swimming, sina Ronmart naman ay sa ibang kwarto sila pero malapit lang naman yung kwarto nila sa'min.
"Nay, lalabas muna ako para magswimming!"
"Sige basta mag-iingat ka!"
Pagkalabas ko ay bigla naman may tumawag sa'kin kaya naman napahinto ako pansamantala, "Ate! sama ako!"sigaw sakin ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...