Chapter 53 Please Forgive Me

1K 20 0
                                    

Chapter 53 Please Forgive Me

Sharmaine Pov:

"Sharie, Sharmaine bilisan niyo na diyan at aalis na tayo", sabi ni Mhia habang kasama niya naman si Erick at tsaka si Ronmart para kumain.

Agad na namin binilisan yung ginagawa namin at sabay sabay na kaming umalis. Papalapit na sana kami ng gate para lumabas pero nakita namin si Max na naka abang dun.

"Hindi mo pa rin ba siya papansinin?" tanong ni Sharie sa'kin.

"Bahala siya sa buhay niya." sabi ko na parang walang paki-alam.

Nung malapit na kami, biglang lumapit siya sa'min, nasa unahan namin si Ronmart at si Erick na para bang pinuprotektahan nila kaming tatlo sa pwedeng mangyari dahil hindi namin alam ang susunod niyang gagawin.

Nakayuko lang siya sa'min at naghihintay lang kami sa pwede niyang gawin pero hindi namin akalain ang ginawa niya, bigla siyang lumuhod at inilagay niya yung dalawang kamay niya sa sahig na para bang nakadapa habang lahat ng estudyante sa paligid pati na rin kami nagulat sa kaniya.

"Patawarin niyo ko sa lahat ng ginawa ko!!! Pinagsisihan ko na lahat yung mga ginawa ko sa inyo lalong lalo na sa'yo Sharie at Ronmart!!! Sana mapatawad niyo akong dalawa!!! Nagawa ko lang yun dahil nagalit ako, pero hindi ko talaga ginustong gawin yun!!! Pati na rin sa'yo Sharmaine, ayokong magalit ka sa'kin!!! Ayoko ko rin na magiging ganito tayo hanggang sa huli!!! Importante ka sa'kin kaya hindi ko kayang mawala ka sa'kin ng lubusan!! Halos araw-araw kong pinagsisihan yung mga ginawa ko sa inyo kaya sana mapatawad ninyo akong tatlo!!! Gusto kong sanang makipagkaibigan sa inyo!!!" sigaw niya habang patuloy na uma-agos yung luha niya mula sa mga mata. Pinagsisihan niya talaga yung ginawa at makikita mo talaga sa sitwasyon niya na desperado talaga siya.

Biglang tumulo yung luha ko nang hindi namamalayan habang minamasdan ko siya na nadudumihan yung suot niya dahil sa alikabok, na nakikita yung mga ibang sugat niya na hindi pa gumagaling at yung mga basang luha niya na pumapatak sa sahig.

Siya na yung Max na nakilala ko dati na hindi ko kayang makalimutan, ang Max na gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng lahat, ang Max na marunong magsorry kapag nakagawa ng kasalanan at ang Max na nagustuhan ko at parang minahal ko.

Lumapit ako sa kanya habang umiiyak at tinulungan siya para makatayo, nung makatayo na siya nakayuko lang siya habang umiiyak. Tiningnan ko siya at tiningnan niya rin ako habang umiiyak at sinabi, "Max, pinapatawad na kita." at yumakap ako sa kanya ng sobrang higpit. Namiss ko talaga siya ng sobra dahil hindi ko na siya naka-usap mula nung naging bitter ako.

Parang ayaw ko na siyang pakawalan sa sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya, yung ibang nakatingin sa'min na estudyante, parang napaiyak sa ginawa niya pati na rin si Sharie at tsaka si Mhia. Nagsipagpalakpakan silang lahat at naging maayos na ang pagsasamahan naming anim. Nag bro-fist sina Max at Ronmart at nag high five naman sila ni Erick.

Ngayon parang ito na ang isa sa pinakamasayang araw na nangyari.sa'min at ang araw na'to ay hinding hindi namin malilimutan.

Sharie Faye Pov.

Sumasabay na si Max palagi sa amin pag tuwing mag almusal, ayos nga yun at nadagdagan pa kami ng isa pang kaibigan at higit sa lahat, tatlong couple na yung magkakasama. May biro pa nga akong tawagan sa kanila eh,  Si Maxaine (Max + Sharmaine), si Ericka (Erick + Rhia) at si Ronmarie (Ronmart + Sharie). Hahaha!!! Ang kulit lang noh?"

"Teka, magco-close nga pala ngayon muna yung restaurant namin, may alam pa ba kayong pwedeng pagkainan natin?" tanong sa'min ni Mhia.

Isa-isa silang nagsipag-isip samantalang marami namang karenderya diyan sa paligid na pwede naman pagkainan. Palibhasa kasi mga mayayaman, si Ronmart, Mhia at Max kasi doon sila palagi kumakain dun sa Restaurant, si Erick naman palaging kasama yung mga ibang Varsity player dahil may sarili silang Club House para lamang sa mga Varsity na pwede rin nilang pagkainan. At si Sharmaine naman, may service naman pauwi dahil malapit lang ang bahay nila dito sa School.

"Ako! may alam ako kung saan", sabi ko sa kanila.

"Talaga?, sige doon na lang tayo kumain" sabi ni Sharmaine.

Palakad-lakad muna kami hanggang makarating kami sa isang karenderya kung saan diyan ako palaging kumakain noong una na hindi ko pa nakilala si Mhia. Ang daming tao sa loob pero marami pa namang bakanteng upuan para pagkainan.

Parang naninibago yung mga mukha nilang lima kasi ngayon lang sila nakakain dito sa ganitong lugar. Pagpasok naming anim sa loob, biglang tiningnan kami lahat ng mga estudyante na kumakain. Para bang nagulat sila nung makita nila kami.

"Di ba si Rhea Mae yun, yung anak ni Mr. Sitjar ang may ari ng pinakamalaki at pinakasosyal na Restaurant dito sa lugar natin?! At isa din siya sa pinakamatalino ng Star section Ace"

"Talaga?!, parang kilala ko yung kasama niya. Di ba si Erick yun?, yung Varsity Player ng Basketball natin sa School. Isa daw siya sa pinakamagaling na manlalaro, siya pa raw yung nagpanalo ng laro last year!"

Nagkakagulo na silang lahat, yung iba nga nagsitayuan pa.

"Si Maximo, pangatlo sa pinakamatalino sa Section Alpha, ang pinakasikat na Section dito sa School. Marami na daw siyang naitulong sa School natin dahil sa Papa niya at nagmamay-ri din ng isang malaking business dito sa'tin!"

"Si Sharmaine! Ang isa sa pinakamaraming alam tungkol sa impormasyon, dahil sa kanyang kaalaman, isa siya sa nagpa unlad at nagpaganda ng pangalan ng School natin at palagi ko rin siya nababasa sa mga School News paper. Marami na siyang natanggap na award dahil sa kagalingan niya!"

Nung napatingin na sila kay Ronmart, biglang naghiyawan at nagtilian ang lahat ng babae na nasa loob, "Ahhhh!!!! Si Ronmart!!! andito din siya!!! Ang isa sa pinakasikat na hearthrob at pangalawa sa pinakamatalino ng Star section Alpha. Nanggaling daw siya sa mayamang pamilya at tagapagmana daw ng pinakamalaking business doon sa korea at sa ibang panig ng bansa!"

"Grabe pala 'tong mga estudyante dito, marami pala silang alam tungkol sa mga kasama ko, ako kaya kilala ba nila ako?" sabi ko sa sarili ko habang papunta pa lang kami sa uupuan namin.

"Teka, sino yung kasama nilang isa?"

"Oo nga, parang nakita ko na siya dito dati na kumakain, baka siguro ordinaryong estudyante lang siya katulad natin."

Huhuhu :'( hindi nila ako kilala, kawawa naman ako, kung sabagay malayo naman ako sa mga kasama ko. Biglang hinawakan ni Ronmart yung kamay ko at ngumiti sa'kin at dahil dun nagulat silang lahat sa nakita nila.

"Teka, yan ba yung Girlfriend ni Ronmart?"

"Siguro nga siya yun, anu nga ba yung pangalan niya, Sharie Faye ba?"

"Sharie Faye?, yung pinakamatalino sa Star section Ace?"

"Tama! Siya na nga yun, si Sharie Faye, ang Girlfriend ni Ronmart at ang pinakamatalino ng Star section Ace, balita ko raw maglalaban daw sila ni Scarlet, ang pinakamatalino ng Star section Alpha sa darating na Competition sa next year!"

"Grabe, anong ginawa ng mga sikat na tao dito? Dito ba sila kakain?"

"Malamang, alangan naman magsa-standby lang sila dito."

Akala ko ako lang yung hindi kilala sa aming anim, mabuti naman at nakahanap si Ronmart ng paraan. Ayan tuloy napa-blush ako.

Habang kumakain kaming anim, parang may napansin ako na may nakakabit na sa mga pader bilang palamuti, may mga parol na nakasabit at may maliit na Christmas tree. Ay! Oo nga pala, malapit na yung Christmas!!!

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon