Chapter 51 Breaking News
Sharie Faye Pov:
Grabe ang aga aga ba't marami na nakatingin sa'min ni Ronmart? Pagpasok namin palang sa gate, marami na kaagad nakatingin sa'min. At parang kami yung pinag-uusapan karamihan sa kanila. May nangyari ba?
"Girl! Kayo na ba ni Ronmart?!" tanong sa'kin kaagad ni Mhia nang nakarating na ko ng room namin.
"Ah, Oo sinabi ko na yung nararamdaman ko sa kanya kahapon. At may nararamdaman din pala siya sa'kin kaya kami. Teka, may alam ka ba tungkol ngayon? kasi kanina pinagtitinginan kami ni Ronmart pagpasok pa lang namin sa gate."
"Girl, may Good News at Bad News ako, anong gusto mong unahin ko?"
"Uhmm, yung Bad News"
"Kalat na kalat na sa buong Campus na kayo na ni Ronmart at may nakakita daw sa inyo na naghalikan daw kayong dalawa kahapon!"
"Ano?!!!"gulat na pagkakasabi ko sa kanya. May nakakita pala sa aming dalawa kahapon.
"At hindi lang yun girl! May darating pa na panibagong problema kaya maghanda ka na!"
"Tumigil ka na nga! hindi ka na nakakatulong. Grabe naman yan, big deal talaga yung naging kami na ni Ronmart. Haizzt!!! Oh anu naman yung Good News?"
"Kayo na ni Ronmart!!! Yehey!!! Let's celebrate!!!"
"Tae, wala pa lang kwenta yung Good News mo, akala ko pa naman makakatulong yung Good News sa problema ko."
"Atleast merong Good News kaysa wala." sabi niya habang tumatawa siya.
Ronmart June Pov:
"Dude Congrats!!!" bungkag kaagad sa'kin ni Jof nung matapos na yung first subject namin, habang yung ibang kaibigan ko naman papalapit pa lang sa'kin.
"Para saan?" pagtatakang tanong ko sa kanya.
"Naku pa inosente ka pa, di ba kayo na ng Guardian mo dun sa Section Ace?"
"Uyyy, ikaw tol ha! may balak ka pang isekreto sa'min."
"Teka, pa'nu niyo nalaman?" pagtatakang tanong ko sa kanila. Eh di ba kami lang yung nakaka-alam na kami na ni Sharie?
""Naku tol! kalat na kalat na dito sa Campus. Pati faculty nga natin alam din nila."
Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan nang biglang may umepal naman sa aming pinag-uusapan, sino pa ba eh yung running for Valedictorian namin for next year.
"Ronmart! totoo bang kayo na ng babaeng yun sa section Ace?" galit na tanong niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...