Chapter 24 Problems

1.2K 31 0
                                    

Chapter 24 Problems

 

“Oh dude, parang ang laki ata ng problema mo? Kanina ka pa kasi nagmumukmok diyan sa lamesa”

“Oo nga, hindi ka naman ganyan ha. Parang araw araw ka na naging problemado. Nung una para kang isda na palaging lumalangoy ng masaya, pero ngayon para kang sardinas ni tinapakan ng ten wheeler truck”.

Ang lakas talaga mang-asar ng mga kumag na ‘to, imbis na tulungan nila ako, parang pinagkakaisahan pa nila ako. “Alam mo kasi mga dude, may problema ako ngayon sa bahay.”

“Problema sa bahay mo? Bakit? Ano ba yun?”

“Seryoso ka ba Jof? Parang ngayon ko lang narinig na intirisado ka sa problema ko ha,” napatingin kami lahat sa kanya habang siya naman nakatingin lang sa amin.Wala kasi ang laman ng utak niya kundi babae, eh alam niya naman niya selosa yung girlfriend niya pero hindi pa rin siya nagbabago, “Bakit? Masama bang makinig?”

Ano kaya nakain niya? Ayun nga nasabi ko na sa kanila na may kasama na akong babae sa bahay at dito pa nag-aaral sa paaralan na pinapasukan ko.

“Wow!!! Dude totoo ba yan?! Ayus yan may Chicks ka nang makakasama, ang swerte moh!”

“Gusto mo bang batukan? Anong maganda dun? Maganda ba yung palagi kang binabantayan mula eskwela hanggang sa bahay?” Akala ko pa naman seryoso na ‘tong si Jof, yun pala wala palang pagbabago ang utak kundi Chicks.

“Hahaha!!! Alam mo tama ka dun sa sinabi mong yan”, Aba! may sumang ayon din pala sa sinabi ko. “Alam mo kasi Ronmart, para ka pang bata sa paningin ng mga magulang mo kaya nila yun ginawa, siguro mahal ka lang talaga nila.”

Akala ko pa naman kakampi ko si Jp sa sinabi niya pero parang lumalabas na ako pa rin yung talo sa problema ko.

Andito kami ngayon sa Room kung saan pinag-uusapan namin ang problema ko ngayon, yung iba ko namang kaklase parang may sariling ginagawa kaya kami lang yung nagkakarinigan. Medyo nakikilala ko na yung mga ugali ng mga kumag kong kaibigan ngayon at iisa lang ang pinuproblema namin kundi BABAE.

Si “Jof.” (Jofin Paul Alberca) ang buo niyang pangalan, isa siyang Hunk at no. 1 Top model ng School namin, at isa din siyang Chickboy kaya naging sikat siya sa buong Campus. Ang problema sa kanya ay ang Girlfriend niya na si Ariadnne (Aryan) isa din siyang no. 1 Top Female model ng School at kaklase din namin. Sobrang selosa kasi siya kaya hindi ko alam kung bakit naging mag syota ang silang dalawa.

Si “Christian” (Sm Christian Albares) isang hearthrob sa klase namin, maraming nagkakarandapa sa kanyang mga babae kahit sa ibang School. Magaling siya magbigay ng advise tungkol sa panliligaw pero pagdating naman sa nililigawan niya, nagiging torpe.

Si “John” (Johnny Hilgado) isang kinatatakutang tao sa buong Campus, siya ang humahawak ng buong Gang dito sa School, leader siya ng tinatawag na “East Berlin Gang” at yun daw ang isa sa pinakamalakas na Gang dito sa lugar namin. Ang problema niya naman ay ang kaklase namin na si Venus na patay na patay sa kanya. Ewan ko lang kung bakit hindi siya natatakot, iba talaga pag love walang kinatatakutan.

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon