Chapter 13 Let's back to the beginning
Sharie Faye Pov:
Mga ilang araw nang lumipas nang mamasyal kami ni Ronmart sa Mall, pagkatapos nun, ayun balik na sa normal kong buhay. At simula nun palagi ko na siyang nakikita pero kahit minsan hindi na kami muling nag uusap nang matagal, masyado na kasi kaming busy sa ginagawa namin kaya siguro wala na kaming oras para sa isa't isa.
"Sharie, halika na at magla-lunch na tayo".
"Wait lang, tatapusin ko lang 'tong ginagawa ko,"sabi mo habang binilis-bilisan ko yung pagsusulat ko.
"Hihintayin ko na lang ikaw sa labas".
"Sige sige, malapit na 'kong matapos".
At simula din nun, naging tunay ko na ngang bestfriend si Rhea Mae a.k.a. Mhia, take note kami na lang dalawa ang palaging magkakasama paglunch. Alam n'yo ba kung bakit? Ganito kasi yung nangyari pagkatapos ng insidente.
***FLASH BACK***
"UWAAAA!!! <TOT > S-Sorry talaga Sharie kahapon at iniwan kita," sabi niya habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
"Tumahimik ka nga diyan, for the one million times okay lang nga, hindi mo naman kailangan umiyak eh."
"H-Hindi ka ba galit sa'kin?"
"Magagalit talaga ako pag hindi ka pa tumigil sa pag-iiyak diyan".
"..................................................................(O^O)..................................................................................."
Salamat naman at tumigil na siya sa pag-iyak.
"Uhmm Shar. Pwede na ba akong magsalita?"
"Pwede na" -_-
"Eh kung ganun, kamusta pala kayo ni Ronmart kahapon? Inalagaan ka ba niya ng maayos?"
Nang sinabi niya yun, bigla akong napa-blush. Ang sarap sarap kasing balik balikan yung mga ginawa namin sa Mall kahapon. "Binilhan niya ako ng damit, sapatos at kung ano-ano pa, namasyal kami kung saan saan, at magkahawak pa kami ng kamay, Hindi ko rin malilimutan nung kumanta kami sa videokehan at ang nakuha niyang score e 70. Grabi parang mamamatay na yata talaga ako sa kakatawa sa kanya, and the best part, pingtang----", Hindi pa nga ako tapos mag gunita ay bigla naman nagsalita si Mhia.
"HOY!! Sharie!!!, ba't bigla kang natulala diyan at parang mapupunit na yung pisngi mo sa kangingiti? Tinanong lang kita kung kamusta kayo ni Ronmart tapos bigla kang ngi-ngiti ngiti diyan na parang baliw, nag di-day dreaming ka na naman noh?"
"Hindi ako nagdi-day dreaming noh!, totoo kaya ang mga pangyayari sa'ming dalawa kahapon."
"Uh? Ano bang ginawa niyo kahapon? Nag ano ba yung, alam mo na...?"
"GAGA!!! Hindi noh, grabi ka naman mag-isip."
"Eh ano nga?"
"Wala, pina-uwi niya lang ako pagkatapos niyang patingnan ako sa doctor, yun lang." Kung sasabihin ko rin naman sa kanya, hindi niya naman ako siguro paniniwalaan, bagkus pagtatawanan niya lang ako at baka isipinniya na nababaliw na talaga ako.
"Ah ganun naman pala, akala ko kung ano na."
"Teka, pa'nu mo pala nalaman na nasa panganib ako? Di ba umalis na kayo nun para mag lunch?"
"Papunta na sana kami sa Restaurant kaso tinawagan ako ni Sharmaine na nasa panganib ka raw, kaya bumalik kami."
"Ah ganun pala."
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...