Chapter 54 A Month of December
Sharie Faye Pov.
"Okay Class, That's for today, see you next year!", sabi ng teacher namin.
"Yahoo!!!", nagsi-impaki na kaming lahat ng mga gamit namin. "Halika na Sharie!", sigaw sa'kin ni Mhia kasama si Sharmaine.
"Okay!, wait lang!" sabi ko naman sa kanya.
Pagkatapos ko nang mag impaki, sabay sabay na kaming lumabas ng Classroom namin. Habang sina Max, Erick at Ronmart naman andun naghihintay lang sa Gate.
Yung plano kasi, yung last day na pagkikita namin bago mag holiday ay magbo-bonding kaming anim para naman masaya kaming lahat bago kami maghihiwalay.
"Anong plano mo ngayong holiday?" tanong ko kay Mhia.
"Magbabakasyon kami ni Daddy sa Canada kasama yung mga pinsan ko, ikaw Sharmaine?",
"Ako?!, Uhmmm.. Siguro magbabakasyon lang kami sa Baguio kasama sina Mommy at Daddy."sabi ni Sharmaine sa kanya.
Wow, buti pa sila may pupuntahan. Ako naman, well doon lang sa bahay ni Ronmart magpapasko. Wala naman kaming pupuntahan eh at tsaka wala kaming alam na lugar kung saan kami pupunta.
"Ikaw Sharie?" tanong sa'kin ni Sharmaine.
"Ha?! Ewan ko, hindi ko pa alam yung plano ko."
"Ganun ba?!", sabi niya sa'kin.
Nagtinginan silang dalawa at nagbulung-bulungan, kaya parang na-curios ako sa pinag-uusapan nila. Pagtingin nila sa'kin parang abot tenga yung ngiti nila at parang may tinatago silang sekreto sa'kin.
"H'wag kang mag-alala Sharie, magiging masaya yung pasko mo." sabi sa'kin ni Mhia.
"Oo nga, kaya h'wag ka nang malungkot", sabi naman ni Sharmaine na nakangiti.
Ang weird naman nilang dalawa, ano kaya yung pinag-uusapan nila?, sina Ronmart, Max at Erick naman, may pinag-uusapan din pero for Boys only.
Pagkatapos namin magbonding kahapon ay isa-isa na kaming nagpaalam, kaya ngayon, kami lang dalawa ni Ronmart maliban sa mga maid at butler ang andito sa Bahay.
"Uy, ba't ang lungkot-lungkot mo diyan?", tanong sa'kin ni Ronmart.
"Kasi naman, mami-miss ko sila talaga. Hindi mo ba sila mami-miss?"
"Sino? Sina Sharmaine at Mhia?"
"Oo"
"Tsk! H'wag kang mag-alala, makikita mo rin sila next year."
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
Любовные романыPa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...