Chapter 38 Do You Accept Me?
Ano kaya ang magandang gawin para matanggap na ko ni Ronmart dito sa pamamahay niya? Uhmmm.... Tama! Luluto ako para sa kanya! Ang problema hindi ako marunong.
“Yaya, pwede bang turuan mo po ako kung paano magluto?”
“Upo Ma’am, ano po bang gusto niyong lutuin?”
Ano kaya? Ah! “Adobong manok po, paborito po kasi yun ng amo natin.”
“Sige po, ihahanda ko lang yung mga sangkap natin.”
Mga i-ilang oras din kaming natapos hanggang sa maluto na yung niluto namin. Medyo hindi naman mahirap, pero hindi ko pa rin maiwasan na mahiwa yung daliri ko. Kahit ganun pa man gusto ko pa rin matuto, para naman sa susunod kaya ko nang magluto mag isa.
“Salamat po Yaya sa tulong niyo.”
“Walang anuman po Ms. Sharie” at umalis na siya.
Ano na kayang oras? 8:28 na pala, dalawang minuto na lang at mag di-dinner na.
Nang tumunog na yung bell, lumabas na si Ronmart sa kwarto niya at ako naman naghihintay sa kanya sa silid kainan. Nagtaka pa nga siya kung bakit nauna na ko sa kanya dito ang sabi ko naman excited lang.
“Yaya ano po yung ulam?”
“Adobong Manok po Young Master.”
Kitang kita ko sa mukha niya na gusto niya na talagang kumain, lalong lalo nah na paborito niya pa yung ulam.
“Parang ang sarap nito ha.”sabi niya habang ina-amoy yung ulam.
Nakatutok talaga ako sa kanya habang susubo na siya sana kaso napatingin naman siya sa’kin.
“Ba’t ganyan ka makatingin? Hindi mo ba kakainin yung pagkain mo?”
“Ah wala, sige ituloy mo lang.” sabi ko na nakangiti.
Nung sinubo na niya yung pagkain, hinihintay ko talaga kung ano yung masasabi niya sa luto ko.
“Wow! Ang sarap! Yaya ikaw bang nagluto nito?” tinanong niya yung yaya kung saan ako nagpaturo sa kanya kung paano magluto.
“Hindi po Sir,” tumingin siya sa’kin at ngumiti, “Si Ms. Sharie po yan ang nagluto para po sa inyo, tumulong lang po ako sa kanya Young Master.”
Nagulat na lang siya sa sinabi ng Yaya niya, hindi siya makapaniwala na ako yung nagluto ng paborito niyang pagkain kaya naman napangiti na lang ako sa kanya nung sinabi niya na masarap yung niluto ko.
“Nagustuhan mo ba?”
Hindi siya makasagot sa sinabi ko, alam ko nahihiya siyang aminin na nagustuhan niya nga pero syempre gusto ko rin marinig mula sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Transferree Boyfriend <3
RomancePa'no na lang pagmay nakita kang bagong estudyante na nag enroll sa School niyo at for the first time na inlove ka? At sa unang pagkakataon nakilala mo sya bilang mabait at maalahaning tao, pero nung nakasama mo sya sa isang bubong, yung akala mong...