Chapter 47 Secret Feeling

1.1K 29 1
                                    

Chapter 47 Secret Feeling

Sharie Faye Pov:

"Sige Nay, aalis na po kami ni Ronmart" sabi ko kay Nanay habang papalabas na ako ng Gate. Magaling na siya kasi at hindi na siya kailangan bantayan. Hindi pa nga namin sinasabi sa kanya na anak ng mga Garcia si Ronmart at baka himatayin siya ulit.

"Oh sige anak, ingat kayo ha. Iho h'wag mong pababayaan yung anak ko ha?!"

"Opo Nay, akong bahala sa kanya" sabi ni Ronmart sa kanya.

Teka, Nanay ang tawag niya sa Nanay ko? Mommy naman ang tawag ko sa Mommy niya? Ohmygod!!! Ba't ngayon ko lang to nalaman? Tatay ang tawag niya sa tatay ko at Daddy nam--------Ahhhhhh!!!! Ayoko ko ng mag isip, hindi pa naman kami kas---- Argh!!!! ano ba tong iniisip ko?!

"Oi! okay ka lang ba diyan? ba't ang lalim ng iniisip mo?" tanong niya sa'kin habang naglalakad.

"Ah wala! wag mo kong intindihin".

Habang patuloy lang kami sa paglalakad. Bigla naman nagsulputan yung mga malalandi kong kapitbahay na puro babae. Noong nakatira pa ko doon kay Nanay parang hindi naman sila ganun ha.

"Hi pogi pwede bang magpakilala, ako pala si Sheena, and you are?"sabi ng isang babae sa kanya.

Hindi siya pinansin ni Ronmart, sa halip ay tumingin siya sa'kin at parang nangangailangan ng tulong. Haist! Sharie Faye to the rescue na naman...

"Pasensya na girls ha pero hindi siya nakikipag usap sa mga taong hindi niya kilala eh. Kaya maiwan na namin kayo." sabi ko sa kanila at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"At sino ka naman sa ina-akala mo? bakit, ikaw ba yung tinanong namin? at anong karapatan mo para pagsabihan mo kami?" sabi ng isang babae na parang naiirita.

Magsasalita na sana ako kaso pinigilan naman ako ni Ronmart at siya na nagsalita para sa'kin, "Pasensya na kayo girls ha pero may Girlfriend na ko eh." sabi niya doon sa mga babae.

Pagkatapos nun hinawakan niya yung kamay ko at tuluyan na kaming umalis, habang yung mga babae naman ay iniwan na namin na nakanganga. Serve them right.

"Sharie! ba't ang lalim ng iniisip mo? may problema ba?" andito kasi kami ngayon sa canteen kasama si Mhia at Sharmaine. Wala naman akong ganang kumain kaso pinilit naman ako ni Mhia na sumama kaya wala na kong magawa.

"Ha? w-wala" sa totoo lang meron, hindi kasi mawala sa isip ko yung sinabi ni Ronmart eh, totoo bang may Girlfriend na siya?

Ronmart June Pov:

"Dude ba't absent ka ng dalawang araw? nagkasakit ka ba?" tanong sa'kin ni Iian.

"Hindi noh, may inasikaso lang ako, yun lang yon."

"Ganun ba, dude ayan na naman si Scarlet. Maiwan na kita."at agad na siyang umalis.

"Hi Ronmart, kamusta ka na? alam mo namiss kita." sabi naman ni Scarlet na may halong ngiti.

"Dalawang araw lang ako nawala, na-miss agad? at tsaka ano na naman ba ang kailangan mo?"

"Wala lang, gusto lang kita maka-usap"

"Ano na naman ba yung pag uusapan natin?" paminsan-minsan kasi naiinis ako sa babaeng ito. Pa'nu ba naman kasi kinokontra niya kung sino yung lumalapit sa'kin na mga babae. Pati nga yung guardian ko nadamay din eh, naalala niyo pa ba na siya yung dahilan kung bakit nadapa si Sharie sa pagsauli niya ng notebook ko?

"Kailan mo ba papansinin yung nararamdaman ko para sa'yo?" Sabi ko na nga ba ito na naman yung pag uusapan namin. Hindi na ba naiinip sa paghahabol niya sa'kin? Wow ang hangin ko tuloy ha.

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon