SIMULA

135K 1.4K 41
                                    

Sana suportahan nyo rin ang kwento nina Irah at Alex... heheheh... umpisahan ko na para mag-abot sila nina Miller. Charr!

SIMULA

"ito na po madam Camilla, lumilipad na nga ako eh sa pagmamadali" halos takbuhin ko na ang main gate ng subdivision patungo sa bahay nila. Kung hindi pa naman ako minalas sa araw na ito hinding-hindi maiinitan ang mahiwaga kong kutis at mapawisan ang alaga kong balat. Ilang taon ko rin tong pinagtiisan para lang kuminis pa lalo at pumuti.

[naku Irah Rada, kilalang kilala  kita ang papunta mo, kakabangon palang yan sa kama mo!] mataray nyang sabi.

[sabi ko kasi sa kanya, daanan nalang namin para sabay na kami, nag-inarte pa!] boses ni Jana, napailing ako sa narinig kong panggagatong niya kay Camilla.

[Irah humanda ka sa akin kapag hindi ka umabot sa pagblow ni Dutch ng kandila, kakalbuhin talaga kita ng pinong-pino!] nilayo ko ang phone sa tenga ko. Yung totoo ako ba ang may hawak ng cake? O baka naman inaasahan nilang ako lang ang may dala ng lighter?

Nakabukas ang malaking gate nila, at nakalinya ang mga pangmayamang  kotse ng mga kaibigan ni Klitz, ginapangan na ako ng kaba dahil alam kong isa rito ang kotse ng taong iniiwasan ko.

Inayos ko ang sarili ko, sinilip ko muna sa hawak kong maliit na salamin ng mukha ko. Dapat hindi ako mukhang haggard. Hindi ko party 'to, pero sana huwag ako maging head turner ng bayan ngayon dahil lang late ako.

Pagpasok ko, umalingawngaw agad ang mga boses nila, mali ang mga murahan ng mga lalaking alam ko, kilala ko na kung sino sila.

Nakita kong pababa si Dutch sa hagdan hawak ang remote ng laruan nya at katabi ang yaya nito may binubuhat na laruan. "Ninang!" sigaw nya at tinakbo ang maliit na distansya sa pagitan namin.

"hello Dutch Mill!" bati ko sabay lahad ng mga kamay ko para mayakap sya. "i miss you so much!"

"i miss you more Ninang" sabi nito. Sabay halik sa pisngi ko.

Inabot ko sa kanya ang dala kong gift. "happy birthday pogi!"

"Ninang thank you" nakangiti nitong sabi.

Tumango ako at pinakita ang  dalawa ko pang hawak na paper bag para sa kanya. Mahirap na masingil ng wala sa oras sa mga panahong wala ako lalo na last year.

Pumalakpak sya sa tuwa at hinila ako papunta sa lagayan ng mga gifts. Nilapag ko roon ang lahat ng gift na dala ko at luminga sa paligid para hanapin sina Camilla at Mika.

"where's your Mom?" tanong ko sa kanya habang nakahawak parin sya sa mga kamay ko.

"she's with Tita Mika" tinuro nya ang isang pintuan papunta sa kusina nila.

Hinalikan ko sya sa noo bago ako pumasok sa kusina.

"im here!" sabay pameywang at pose! pang-agaw atensyon sa mga busy nilang bunganga.

Naabutan ko silang naghahanda ng mga pagkain habang nagchichikahan.

Nagtilian ang mga ito at nagtakbuhan para mayakap ako. Si Mika, Jana, Camilla at si Rosie na kakabalik lang din galing sa mahiwaga nyang pagpapalaya sa sarili nya at the same time, nag-aral ng specialize field nya sa medisina.

Isa-isa nila akong niyakap. Para bang ang tatlong taon kong pagkawala ay isang dekada para sa kanila.

Mika is having a hard time carrying her six months old tummy. Blooming and very pretty, pero balita ko kay Rosie super bugnutin raw at maldita sa mga boys.

"i cant believe your really here!" sabi ni Rosie sabay yakap sa akin. Sa lahat kasi, bago ako umalis at nagpakabonggang travel sa buhay ko, siya ang naging close sa akin lalo na't ako ang unang nakaalam ng secret affair nila ni Miller.

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon