Part 64

24.2K 524 17
                                    

CHAPTER 64

{Alex POV}

Nasa bahay kami nina Klitz dito namin plano mag-ensayo ng gagawin namin para sa plano ko.

Si Klitz ang drummer, si Miller ang bass, si Shin ang nasa organ at ako ng singer / lead guitarist.

"Miller ayusin mo, I have no time for foreplay today!" saway nito kay Miller na nagbabalak na naman magpasaway. Isang kanta lang naman ang kakantahin ko pero ang tagal naming matapos kasi si Miller puro laro ang nasa isipan.

"woah! Hindi ko pa nga nahawakan ang guitar may banta na!" reklamo nito. "Fuck! foreplay Klitz? Come on baby! Come!" malanding biro nito. Nagmukha syang bakla sa pang-iinis nya kay Klitz.

Nagtaas lang ng gitnang daliri si Klitz at umupo na sa drum set.

"Hanggang 4 lang ako ngayon. Baka magtaka si Mika" paalam ni Shin.

"Yeah-yeah monster slave!" pang-aasar ni Miller. Sinuot nya na ang guitara at nagsimulang magpatunog.

Sinimulan namin ang intro. Nagkamali ako kaya inulit, nagkamali si Shin kaya inulit ulit.

"Fuck! Are we serious here? Ayusin nyo nga!" mayabang na sabi ni Miller.

Napailing si Shin habang ako napatitig nalang sa kanya.

"when the blue night is over my fa-- Shin sasabay ka man sa parteng" niremind ko sya na kinailing nya. Lagi nyang nakakalimutan. Unang besis nyang kakanta. Ganun din sina Klitz at Miller kaya gusto ko talagang maperfect namin tong presentation namin.

"Ako nalang kaya sasabay sayo?" Si Miller.

"Sige sumabay ka nalang rin para mas okay" sabi ko. May sariling linya kasi sina Klitz at Miller.

"Huwag na baka mapahiya lang ako, buti nang kanya kanya tayo ng kahihiyan" sabi nya ny kinatawa namin.

"Paano kaya to natiis ni Rose" si Shin.

"Oo nga, bakla na nga, mayabang pa" si Klitz.

"Putcha, ako pang mayabang? Tangina mga bro, ako na nga itong nagtitiis makisama sa inyo ako pang masama!" natatawa nyang sabi.

"Akala ko ba busy kayo?" bigla kong pinutol.

"Nagmamadali?" si Miller. "Kahit hindi na tayo kakanta, yes lang naman ang pwede nyang sabihin" napakamot sya ng ulo.

"So what do you mean?" napaalsa ang isang dako ng kilay ko.

"Pakasalan mo na agad. Si Klitz at Shin nga hindi na dumaan sa kaechusan diretso altar na. Ganun nadin gawin natin" nakanguso nyang sabi.

"Ibaba mo nalang ang guitar and you can leave. If your not interested to help me bro, walang pilitan" ngumiti ako at binalik ang diwa sa pag-gigitara.

Napalingon ako nang nilapitan sya ni Shin at biglang sinuntok sa sikmura na kinayoko naman ni Miller. "Huwag kang gago sa taong seryoso, baka nakakalimutan mong sya ang pinain mo para magkatuluyan kayo ng doktora mo!" 

Napangiti ako at napailing. Ganyan talaga si Shin, basta pagdating kay Miller ganyan nya dinidisiplina si Miller.

"Nagbibiro lang bro, putcha Shinboy ang sakit non ha!" reklamo nya. Napailing ako lalo sa kagaguhan nya.

Tinapunan sya ni Klitz ng drum stick. "Umayos ka nga, yabang mo!"

Napatawa si Miller. "Anong feeling ng mainis mga bro?" umayos sya at hinawakan na ng maayos ang gitara nya.

Nagsimula na kaming kumanta, ilang araw nalang mangyayari na tong pinagpapratisan namin sa stage, I want it to be perfect. I want Aye to feel lucky to have me.

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon