Part 28

22.8K 423 4
                                    

CHAPTER 28

{Continuation}

Kahit anong iwas at pigil ko sa sarili ko. Pagdating sa temtasyon para akong alila sa kanya na sunod ng sunod.

Ilang besis nang may nangyari sa amin, pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano ang meron kami. Kami na ba? Ako na ba talaga?

Tulad ngayon, nakabihis na ako at handa nang umalis. May meeting kami at kailangan kong maaga sa opisina. Gusto ko sanang magpahatid para mas maaga akong makarating, pero sa lagay nyang ito na nakadapa sya at tulog na tulog parang wala na atang chance na mahatid nya ako.

Lex,

Nauna na ako, may meeting kasi at kailangan kong maaga ngayon. Pasensya na kung hindi kita nagising. Just text me kung gising kana at what's your plan for tonight. See yah later!

Iniwan ko sa baba ng phone nya ang note kong sinulat. At nagtiptoe palabas ng kwarto nya.

Sa office, lumilipad ang isip ko sa kakaisip sa kanya. Nagtext ako kanina sa kanya to remind him his breakfast, to know his activities and his plan today. Pero niisa walang reply mula sa kanya.

Ako:

Hi lex busy ka? Lunch tayo?

Pero magtatanghali nalang wala paring reply mula sa huling text ko kaninang 10 am.

"okay kalang? Bakit parang ang putla mo kahit pulang-pula yang labi mo?" si Janna.

Ngumuso ako. "antok lang ako" sagot ko habang inaayos ang mga folder na ginamit kanina sa meeting.

"sabay tayong maglunch?" si Janna.

"may lakad ako, kikitain ko yung pinsan ko sa mall ngayong lunch. Bukas nalang tayo?" ngumiti ako.

"nahahalata ko na ang closeness nyo ng pinsan mong yan ha? Parang biglaan ata yan?" siniko nya ako na kina-iling ko nalang.

"ano kaba kakauwi lang kaya nito mula abroad kaya napadalas ang pagtext namin kasi sinusulit namin ang oras at panahon namin" nakangiti kong sagot.

"tunog defensive teh, pwede mo namang iignore ang tanong ko. Pero sa haba ng sagot mo, yes nalang kahit pumipila na ngayon ang next possible questions" umirap sya.

Sa lahat ng mga kaibigan ko si Janna ang mas pakiramdam ko kapatid sa akin. Kapag sya ang kausap ko kahit anong paligoy-ligoy ko alam nya na ang sagot.

"mean mo ha?" nakangiti akong lumapit sa kanya, sabay kaming lumabas ng conference room.

"Oa mo rin kasing makadefens teh, thesis lang?" umiling sya at tumawa na kinanguso ko nalang.

Ako:

Hi lex, nasa mall ako, nakalunch ka na ba? Gusto mo dalhan kita ng food?

Yan ang text ko pagkarating ko ng mall pero hanggang sa nakakain nalang ako wala parin syang reply.

Ako:

Lex, early ang out ko mamaya. San tayo?

Kahit para akong tanga, nakangiti parin ako. Sanay na ako sa ganitong set-up namin. Yung biglaan at surprise sya kung magplano.

Papasok na ako ng office nang nagreply sya. Halos tumalon ang puso ko sa saya dahil sa wakas nakareply narin sya.

ALEX:

Ti Amo me with Miller. Ill fetch u tomorrow. Tc.

Instead na mag-early out ako, nag-overtime nalang ako para naman may magawa ako habang iniisip sya.

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon