Part 34

22.3K 536 18
                                    

CHAPTER 34

{Irah POV}

Nagising ako na nasa kama na. May suot nang shirt at kumot. Napansin kong rin na tahimik na ang paligid.

Dinungaw ko ang orasan sa wall at napangiwi nang makitang alas dyes na pala ng umaga.

Uminat ako at nagpagulong-gulong muna bago ako tuluyang bumangon.

Paglabas ko ng salas, balot parin ng katahimikan ang buong condo. Dumiretso ako sa table na may nakahanda nang pagkain. Walang gana akong umupo at hinarap ito.

Hinablot ko note na nakaipit sa babang coffee cup.

'Ga,

Got to go, take care here. Ill call you soon. Love you'

Napanguso ako ng wala sa oras. Takte ngayon pala ang alis nya. Alas dose ang flight nya pabalik ng Milan.

Mabilis akong naligo at naghanda. Halos hindi ko na nasuklay ang buhok ko sa pagmamadali ko.

Nagmaneho ako papuntang airport at buti nalang walang naging sagabal sa daanan ko.

Pagdating sa airport, mag-aalas dose na. Sinubukan kong tawagan ang phone nya pero out of coverage na ito. Naisip ko baka nasa eroplano na sya.

Tumambay ako sa airport at hindi sumuko sa kakadial ng number nya. "miss yung flight papuntang Milan?" tanong ko sa check-in area.

"Maam nakaalis napo, naearly po ang flight Maam kaninang 11:45 po" sabi nya na kinalumay ko bigla.

Gusto kong umiyak sa lungkot, napakawalang silbi kong asawa. Umalis sya na hindi manlang kami nakapag-usap.

Pagod akong umuwi. Pagdating sa bahay nahiga ako sa sofa at umiyak ng umiyak. Napakamiserable ng buhay ko. Gulong-gulo na ako at hindi ko na alam ang takbo ng isipan at puso ko.

Pangarap kong mangyari to, maging kami, maging asawa nya at magkaroon ng mga anak. Ito na yon eh pero bakit parang hindi ako masaya? Hindi ako kontento? Hindi ako mapayapa?

Ginugol ko ang buong araw ko sa pagtatanong ng kakulangan ng lahat ng meron ako, pakiramdam ko napakaloser ko na ganito ang sitwasyon ko.

Ilang araw akong ganun, hindi makatulog ng maayos at laging malalim ang iniisip.

Sa tuwing tatawag si Lexo, nawawalan agad ako ng gana. Pakiramdam ko nawawalan narin ako ng amor sa kanya.

HAN:

Are you sure about this?

Ilang araw ko na syang kinukontak para tulungan ako kay Chen, Ang plano namin, ako ang pupunta ng Japan, Para hindi lalong massaktan si Chen. Asang-asa raw sya sa pagbabalik ko.

Ako:

Yeah, next week. Hope to see you around.

HAN:

Make sure your husband knows this.

Napangiti ako, bakit? Ano bang kailangan nya dapat malaman? Pabor na nga ito sa kanya.

Ako:

Yup. Thanks Han.

Matagal akong nakatulala at iniisip ang mga dapat kong sabihin sa harapan ni Chen para hindi sya masaktan. Aaminin kong ako ang nagkamali at ako ang may kasalanan para hindi pa lumaki lalo gulo.

Pumunta ako sa Clinic ni Rosie, gusto ko syang isama para naman may lakas akong harapin si Chen. Alam kong matutulungan nya ako sa pagpapaliwanag kay Chen ng lahat.

"ang problema kasi bebang may mga schedules ako nextweek" napangiwi sya.

"sige na please? Hindi na ako makatulog ng maayos Rose. Nakokonsensya na ako" nakanguso kong sabi.

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon