CHAPTER 11
{Alex POV}
Nasa kusina ako at nilalabas sa ref ang ang mga rekados ng plano kong ilutong sotanghon soup nang dahan-dahan syang pumasok.
Nakayuko at namumula ang pisngi nya.
“TSK!” inis kong pinahiran ang mukha ko ng matalsikan ito ng tubig ng cabbage.
“ako na dyan” sabi nya sabay lapit sa harapan ko.
“ako na, busy ka diba?” nilayo ko sa kanya ang streamer kong hawak na may carrots, cabbage at bell pepper.
“sorry na” at mabilis syang umikot sa tabi ko at kinuha sa mga kamay ko ang streamer. Kumuha sya ng kutsilyo at sinimulan agad itong balatan.
Kinuha ko ang extra apron ko at sinuot ito sa kanya, ramdam ko ang pagkagulat at paninigas nya, napangiti ako ng lihim sa likuran nya habang inaamoy ang bango ng buhok at pabango nya habang tinatali ko ang tali ng apron sa likuran nya. Same scent. Ang bango nyang mang-aakit! Parang kelan lang, i own this scent before in my bed.
“wala ka bang trabaho ngayon? Kala ko ba may pictorial ka para doon sa pabango?” nilingon nya ako at nataranta naman ako, pakiramdam ko nanigas ang alaga ko sa ginawa kong pag-amoy sa kanya.
“pinaresked ko, ikaw may kasalanan!” umikot ako sa harapan nya at umupo sa stool sa harap nya, pinagmamasdan ko syang binabalatan ang mga gulay habang pinagmamasdan ang mga kuko nya, ang linis nito at kinis ng malakandila nyang mga daliri. Sa lahat ng parte ng katawan ng babae, mga daliri ang una kong sinusuri. I love girls with nice shape and clean fingers and toes. Para sa akin, dyan sa mga parteng yan nakikita ang kalinisan ng mga babae.
“bakit ako? Ikaw kaya itong may sakit ako pa ang sinisisi mo. Tamad ka kamo kaya ka nagparesked, aiiishhht!” tumaas ang isang gilid ng labi nya sabay irap.
Napangiti ako. Kung kaming dalawa lang talaga hindi umuubra ang bully mode ko, pero kong sa harapan ng mga kaibigan ko para akong siga makabully sa kanya.
“matagal pa ba yan? Gutom na ako!” reklamo ko.
Inabot nya sa akin ang cabbage na bagong slice nya.
“ano yan?” nangunot naman ang noo ko.
“unahin mong kainin, para mamaya kong kumukulo na ang tubig isusunod ko para sa tiyan mo sila maluto.” mataray nyang sabi. “kita mo naman sigurong hinihiwa pa nga lang tanong agad, anong akala mo sa akin alien na hinawakan ko lang instant ang lahat?” inis nyang binilisn ang paghiwa ng mga rekados nito.
“relax ka! Nagtatanong ang pasyente mo ganyan ka makasagot?” - ako
“pasyente? Tinablan ka? Kakaiba!” umirap sya at nameywang. “LBM lang sakit mo, pero maka arte kala naman kung malubha na” tinutukan pa ako ng kutsilyo na kinaatras ko ng kaunti.
“Tsk!” binalik nya ang mga kamay nya sa paghihiwa.
“bakit ba ang bitter mo sa akin Aye?” biglang tanong ko.
Hindi nya ako sinagot.
“bakit ba parang abot langit talaga ang galit mo sa akin? Ano bang nagawa ko sayo?” pinatong ko ang baba ko sa mga palad ko habang nakatukod naman ang mga siko ko.
Hindi parin sya sumasagot.
“dati naman ang sweet mo sa akin, lagi mo akong pinupuntahan sa mga pictorials ko, pinagluluto, nililinis mo pa nga ang condo ko. Tapos bigla ka nalang nagbago, why?” diretsa kong tanong.
I dont know why im talking shit now. This can maybe offend her but i also want to know why she suddenly change and hate me so much.
Nagpatuloy sya sa paghiwa, kaya nagpatuloy rin ako.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...