CHAPTER 23
{Irah POV)
Maaga akong nagising, pagmulat ng mga mata ko wala akong nakitang katabi sa higaan ko, pero may isang malaking bouquet na akong katabi.
Napatitig ako sa bulaklak sa tabi ko. Hindi ko alam kong sasaya ako o mas maiinis lalo.
Sasaya sana kasi ito ang unang besis nya akong bibigyan ng bulaklak, mas maiinis kasi anong akala nya sa akin? Madadala lang ang lahat ng tampo ko sa bulaklak?
Kaharap ang bulaklak, pinag-iisipan ko ang plano ko. Gusto ng isipan kong huwag syang patawarin at uuwi nalang ako ng Maynila. Pero ang puso kong traidor at kulang sa pansin, lumulundaglundag sa saya.
Kinuha ko ang phone ko at sinilip ang oras. Lampas alas syete na pala ng umaga. Bumangon ako at naghanda ng sarili ko. Suot ang kupas na maong kong shorts at printed v-neck shirt na kulay puti. Nakatali ang buhok ng pony tail at wala sa sariling bumaba.
Napataas ang isang daku ng kilay ko nang marinig ang tawanan nina Tita, Tito, Kuya at Alex.
"ayusin mo kasi ang pagbasag anak" si Tita.
"Mom, kanina pa ako dito" boses ng lalaking ayaw ko makita kung pwede lang sa araw na ito.
"try harder son, focus on your goal this morning" si Tito.
"im trying harder Dad" boses ng bwesit.
Lumapit ako sa kusina, walang nakapansin sa presensya ko kaya malaya akong sumandal sa likuran ni Kuya at nakinig sa kanila.
"bunso kahit anong magawa mo, im sure maappreciate naman din yan ni Aye." sabi ni Kuya na nagpakunot ng noo ko.
"i know her, silent perfectionist yun. Kaya nga lahat ng ito dapat maayos" sagot nya.
"wow, your conscious anak!" si Tita.
"inlove ka nga talaga bro!" si Kuya.
"nah! I just need to do this right" inis nyang sagot.
Naghanap ako ng paraan na masilip ang ginagawa nya, may isang tray ng itlog na nasa harapan nya. Marami nang nabasag.
"garden omelet will do" sabi ni Tito.
"she likes sunny side up Dad, its her favorite!" sabi nya. Hindi ko napigilan ngumiti. Ibig sabihin, nakikinig sya nong binulong kong sunny side up ang paborito kong breakfast.
"she'll understand if she'll see your imperfect creation son. You dont have to waste the eggs just to have a perfect one" umiling ang dad nya.
"come on dad" inis nyang sabi.
Natawa naman sina Tita at Kuya.
"make sure hindi kami ang kakain ng mga sawi mong gawa ha?" si Kuya.
"nah, ipamimigay ko to sa mga katulong" sabi nya na kinatawa naman ng Mom nya.
"anak, masyado namang marami yang mali para sa breakfast nila" sabi ni Tita.
"Kuya ikuha mo nga ako ng isa pang tray, tangina! Ang hirap palang matsamba ang pagluto nito." mura nya na kinailing ko
"tama na yan Lexo, marami kanang nasayang na itlog. Irah would understand that kahit hindi perfect" si Tita.
"Kuya!" inis nyang hinarap ang kapatid nya.
"oo na!" umikot si kuya at ako agad ang nakita nya. Sisigaw sana sya pero naunahan ko sya ng bigyan ng senyales.
Natawa sya na kinalingon din nila.
"fuck!" sigaw ni Lexo na kinaharap ko sa kanya. "kanina ka pa gising?" namumutla nyang tanong.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...