thank u po sa mga pangungulit nyo... salamat din sa mga nag-aantay ng UD nito... maraming thank you... :)
CHAPTER 58
{Irah POV}
Gabi na nang dumating sya, amoy alak at medyo tipsy narin.
"ga!" saway ko nang tamad nyang hinubad ang polo nya at tinapon sa sahig.
Tumayo ako at pinulot ito. Sinundan ko sya hanggang makahiga sya ng kama.
"magshower ka muna! Ayaw ko ng amoy mo!" hinila ko sya patayo.
Napatawa lang sya at napailing. Tinalikuran nya ako at mas lalong nahiga ng maayos.
"Ga!" inis kong hinila ang kamay nya at pinatayo sya.
"maligo ka muna!"
"ano ba!" inis syang napaupo at napakamot ng ulo nya.
Napaawang ako sa reaksyon nya. Ganito pala sya malasing?
"maligo ka muna! Hindi ako makakatulog na may amoy alak sa tabi ko!" inis ko syang hinila ulit.
"pwede ba!" napatitig sya sa akin.
Galit na titig ang binigay nya. Titig na parang ngayon ko lang nakita sa kanya.
"Lex?" napakunot ang noo ko sa inaasal nya.
"okay!" pagod nyang sinabi habang nasa tiyan ko ang mga mata nya. Kinuha nya ang unan nya at lumabas sya ng kwarto.
"Lex!" halos pabulong kong sigaw nang isara nya ang pintuan.
Napatigil ako. Unang besis ko tong makita na ganito sya kalasing. Unang besis ko rin syang makita na ganito ang inasal nya. Maybe because of the alcohol. Oo tama, lasing lang sya.
Bumaba ako at hinanap sya. Bitbit ang comforter nakita ko syang tahimik na natutulog sa rattan sa terasang nakaharap sa dagat. Kinumutan ko sya lalo na't wala syang suot pang-itaas.
"ate" si Allan.
"pakiopen ng payong" tinuro ko ang payong na nasa gilid.
Tumango sya at sinunod ang utos ko. "dito narin ako matutulog" sabi nya at hinila ang isang rattan.
"sure ka?" nangunot ang noo ko.
"okay lang ate, sanay na kaming matulog dito. Ganito talaga malasing si Manong" nakangiti nyang sabi.
Tumango ako at iniwan sila. Bumalik ako sa kwarto at inayos ang sarili ko.
Napailing ako nang maalala na kasama nya nga pala ang barkada kanina.
Maaga akong nagising para magready ng kakainin. Wala si Mommy ngayon so ako nalang muna ang magluluto. Hinanda ko ang breakfast namin habang tulog pa sya.
"ano na ate" si Allan.
Umiling ako, "ako na" sabay ngiti. "namimiss ko ring gawin to"
"sure ka ate?" nakakunot ang noo nya.
Tumango lang ako at nagsimula na.
Malapit na ako matapos na nang nagising sya at umupo sa counter. Nakatitig lang sya sa akin. Pagod ang mga mata at namamaga. Kulang siguro ng tulog.
Nilapitan ko sya at ngumiti sa kanya. "coffee?"
Nakatitig lang sya at walang reaksyon. Nangunot ang noo ko at mas lumapit. Hinalikan ko sya sa noo. "good morning daddy" bati.
Nagtaas lang sya ng kilay at tumango.
Niready ko ang kape nya at nilapag sa harapan nya. "ano naman ang nakain nyo at nagpasobra ka ng kalasingan kagabi?"
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...