CHAPTER 2
Halos isang linggo ko nang pinaprocess ang mga papel na ito, pinacheck ko na nga sa NSO kung legal at totoo ang mga papeles na ito. Halos isang linggo narin akong stress dahil sa tuwing pinapasuri ko ang mga bwesit na papel, lagi tama ang hinala ko. True copy ang mga ito.
Pinaconsult ko sa kaibigang lawyer ng ate ko ang sitwasyon ko, ngunit ang sabi nya, pwede raw akong magfile ng annulment, pero aabutin raw yun ng sampung taon, o lampas pa bago mapatunayan na hindi nga talaga kami ni Kovda.
Kalakip pa ng mga NSO ang permadong pre-nup namin na ginawa ng dalawa kong sira ulong kaibigan, yung totoo kaibigan ko ba talaga sila o mga salot sa buhay ko?
Nakalakip sa pre-nup ang:
1. Lahat ng ari-ariang nakapangalan sa aming dalawa ni Kovda ay equal naming paghahatian at pagsasaluhan.
2. Magsasama kami sa iisang bubong at matutulog sa iisang kama.
3. Gagamitin ko ang apilyedo nya habang kasal pa kami sa mata ng Diyos at batas.
4. Sa puder ako ni Kovda titira.
5. Sampung taon pa bago pwedeng iproseso ang annulment.
Kita mo? Para akong nahulog sa patibong. Ang malas ko pa kasi ang bahay, mga lupa at ilang properties namin ay sa akin nakapangalan, bunso kasi ako kaya sa akin pinangalan lahat ng Parents ko.
Tapos bigla nalang mawawala kasi sa katangahan ko?
"hello Camilla. Ano tong NSO na ito?" bulyaw ko.
[hello bebang, masakit ang ulo ko ngayon kasi nilalagnat ako. Next na tayo mag-usap ha? Ingat ka] yan lang ang sinabi nya at mabilis nang binaba ang tawag ko.
"kainis naman eh!" halos maubos na ang buhok ko sa kakasabunot ko, may gusto pa naman akong iboyfriend na gwapong chinese, seryoso yun sa akin. Sa Japan kami nagmeet non.
"ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ko na ang landi ko na talaga kasi nag-asawa ako na hindi nila alam?" bulong ko sa sarili ko.
"aiisstt!" inis ko na namang sinabunutan ang sarili ko.
Isang linggo pa ang nakaraan ulit, sobrang nastress ako sa NSO na ito, halos gabi-gabi napapanaginipan ko ang bunganga ng nanay kong sumisigaw sa galit.
ROSIE Calling ~ ~ ~
"hello dear" bati ko kaagad pagkasagot ko.
[Dear, is it true? pinaNSO ng dalawa ang marriage cert nyo? Kovda is so mad right now!] bulong nya.
"oo dear, sobra na akong nastress sa nangyayari, ayaw din akong kausapin ng dalawa" naiiyak kong sabi.
[alam mo bang ang Mom niya ang nakatanggap ng envelope na yun, kasi nasa bahay nya ang mom nya that time. Nag-aalburuto sya sa galit] nanlaki ang mga mata ko.
No! No! No!
Pumasok bigla ang mukha ng nanay kong namumula na sa galit. Kamukha pa naman niya si Pelita Corales. Myged! Baka ito na talaga ang huling paalam na ginawa ni Rizal noon.
"si Miller? My alam ba sya tungkol dito?" ako.
[naku teh! Ngayon lang namin nalaman yan, kausap nya kanina si Fred at Klitz pero di ko alam kung anong pinag-usapan nila] nagtataka ako bakit ba bumubulong ang babaeng ito. Bawal ng ingay sa bahay nila?
"Anong meron at bumubulong-bulong ka dyan?"
[tulog kasi ang mga anak ko, kakatulog lang ni Ken] makasabi parang totoo noh? Ahh, si Kelly at Ken yung mga aso nyang tagapagmana nila ni Miller ng angking ganda at kakisigan nila? Napailing ako habang iniisip gaano ka baliw ang kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...