Part 41

22.6K 520 7
                                    

CHAPTER 41

{Alex POV}

Nagising ako dahil sa katok ni Mommy sa pintuan namin. Dahan-dahan kong kinalas ang kamay ko mula sa beywang ni Aye, tulog na tulog sya at halatang pagod.

Pinilit ko ang sarili kong hindi sya magising sa pagbaba ko ng kama. Napangiti ako nang nagawa ko ito ng matiwasay. Mabilis kong binuksan  ang pintuan at sinenyasan si Mommy ng tama na, kinangiti nya ang ginawa kong pagpapatigil sa kanya.

"kain na, gisingin mo na si Aye" sabi nya.

Binuksan ko ang pintuan "nakatulog sya na hindi nagbibihis"

"napagod siguro sa trabaho" ngumiti si Mom. "gisingin mo na at kakain na tayo"

Naunang bumaba ng hagdan si Mom at ako naman napaisip paano sya gigisingin na hindi sya maiinis sa akin. Ayaw na ayaw nya ang ini-estorbo sa tulog nya.

Gumapang ako sa kama at nahiga sa harapan nya. Napapikit ako sa takot na baka masampal nya ako bigla sa gagawin ko.

Idinikit ko ang ilong ko sa kanya, dahan-dahan kong pinahaba ang nguso ko para mahalikan sya.

"ahhh!" reklamo nya.

"gising na, dinner is ready" bulong ko.

Minulat nya ang mga mata nya at tinitigan ako. Ngumuso sya at ngumiti naman ako.

"your here!" nakanguso nyang sabi.

Nakangiti akong napatango at hinalikan sya. "always" sabi ko.

Hinawakan nya ang pisngi ko at kinurot ito. "your real" sabi nya.

Tumango ako.

Niyakap ko sya at ilang besis hinalikan sa labi nya. Namiss ko sya ng sobra. Parang sa unang pagkakataon ngayon lang ako naexcite umuwi, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

"hindi ako makahinga!" inis nyang sabi.

Lumayo ako at dumistansya sa kanya. "hali kana, Mom is waiting!" sabi ko na kinatango nya pero nakahiga parin.

"Mauna kana, susunod lang ako" sabi nya at uminat pa.

Umiling ako, "kadarating ko lang, ayaw mo na agad akong makasabay kumain?" nakangiti kong sabi.

Inis na mukha nya ang sumagot sa akin. "lumayo ka nga!" bigla nyang bulyaw na kinagulat ko.

Napailing ako at pumunta na sa banyo na nakangiti. Fingers crossed! Sana tama ang hinala ng lahat. Sana lang! Sigaw ko sa isipan ko.

Pagkatapos kong maghilamos at magsepilyo, magpalit ng damit, lumabas ako at naabutan syang nakatayo at antok na binubuksan ang bag nya.

Tama nga si Miller, pumayat sya pero blooming. May hinala silang lahat na buntis si Irah dahil sa wala itong gana lagi, antukin, masungit at namumutla. Kaya naman hindi ako pumerma sa offer ng manager ko na magstay for another two months para sa new endorsement ng products na under ako.

I want to serve my Queen. I want to be around here all the time. Lalo na ngayong naglilihi sya. Gusto ko ring maranasan ang tayog ng pasensya at pagmamahal ko sa kanya tulad ng pinagdaanan ng mga kaibigan ko.

"are you okay ga?" nangunot ang noo ko.

Umiling sya pero hindi nya ako nilingon. Lumapit ako sa kanya.

Tumayo sya ng maayos at hinablot ang shirt kong galing sa bag nya at dire-diretsong pumasok sa banyo. Nangunot ang noo ko dahil damit ko yung bitbit nya. Sinilip ko ang bag na dala nya at halos shirts ko rin ang mga nasa loob.

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon