Part 43

23.2K 547 24
                                    

thank you people... sa lahat ng nagbabasa nito... 

CHAPTER 42

{Irah POV}

Nagising ako na parang pinipiga ang ang tiyan ko at iniinat ang matres ko. Ramdam na ramdam ko ang nagkakagulong mga bituka ko sa loob ng tiyan ko.

Humarorot ako sa banyo ng maramdamang naluluwa ako ng walang rason.

Napaluhod ako sa inudoro at doon nagsususka ng laway. Masakit sa lalamunana at mahapdi sa tiyan.

Pagkataps kong magsuka, napaupo ako sa sahig. Confirmed!

Matagal na akong may hinala na buntis ako, hindi ko lang iniisip lalo na't naguguluhan padin sa nararamdaman ko para kay Lexo.

I deserve a chance Aye, mag-asawa tayo!

Yan ang laging pumapasok sa isipan ko kung naiisip ko na 'baka buntis ako'

Tumakbo ako at hinaloghog ang bag ko. Simula nang nadelay ako ng one week bumili na ako ng PT para sa kaling magkalakas loob na ako, pwede akong magtext anytime.

Mag-iisang buwan na akong na akong delay. Simula noong bakasyon namin sa isla ni Lexo hindi na ako nakapagpills.

Kabado akong umupo ulit at umihi.

Kagat ko ang labi ko habang inaantay ang process. Naluluha ako sa kaba. pero nang makitang dalawang linya ang ang gumuhit, tumulo ang luha ko. Pinaghalong saya at kaba ang bumalot sa akin.

Saya na magiging ina na ako, kaba na baka hindi pa handa si Lexo.

Nilagay ko sa bulsa ko ang PT at inayos ang bed namin. Bumaba ako at binati si Mom na nasa dining table at nagkakape.

"good morning!" bati ko, dumiretso ako sa mga kinalalagyan ng jam at kumuha ng blueberries falvor.

"what do you want for breakfast?" tanon nya.

Ngumiti ako at biglang may gustong tikman, "beacon and hotdogs po pwede?" sagot ko.

Tumayo sya at nagsimula nang maghanda. Ako naman sa kitchen counter umupo para may kachikahan si Mommy.

"san po si lexo?" wala sa sarili kong tanong.

Pumunta kina Klitz, babalik din agad yun akala nya kasi matagal kapang gigising.

Binunot ko ang phone ko at tinawagan sya.

"san kana?" malungkot kong tanong.

[good morning ga] habang sya naman masigla.

"anong good sa paggising ko hindi na kita mahagilap?" sabi ko. Nakita kong napailing si Mommy na nakangiti.

Ngumuso ako, tunog possessive ba?

[may emergency kasi si Rosie, nasa hospital si Adam kaya pinuntahan ko] paliwanag nya.

"shit! Bakit di mo ako sinama?" bulyaw ko

[kasi nga nagsusuka ka kagabi kaya hindi na kita ginising pa] malambing nyang sabi. Sana ganito nalang sya kalambing lagi, yun bang kalmado at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya sa akin.

"punta ako dyan, IU ba?" bigla kong naisip. Napahindi si Mommy sa ginagawa nya at napatingin sa akin.

Ngumuso ako sa kanya at umiling sabay pakita ng nakapeace sign kong mga daliri.

[huwag na, uuwi ako mamaya hintayin mo ako at sabay tayong babalik dito] sabi nya.

"uwi kana, i miss you" lambing ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi kong yun. Hindi ko alam pero bigla lang lumabas sa labi ko ang mga katagang yun.

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon