Sorry po sa isang buwan na hindi ko pag-update... sobrang nabusy lang. Salamat po sa lahat na naghintay ng update at sa mga nangulit... :) thank u po.
CHAPTER 50
{Irah POV}
Dahil sa inis ko, hindi na ako umupo sa salas at nakipag kwentuhan sa kanila. Im not in the mood to entertain issues now. Punong-puno ng galit ang isipan ko para sa kovdang yun.
Sa guest room ako titira for days, bago ako lilipat ulit kay Christy at babalik na naman dito.
Nakadapa ko at pilit na kinakalma ang sarili ko. Umilaw ang phone ko at pangalan nya ang nababasa ko.
LANGGA:
Ga, wer ka?
LANGGA:
Baka gusto mo akong samahan dito, nahihiya ako dito. Akala ko ba besita ako dito?
Nagmadali akong nagtipa ng reply.
Ako:
Sino bang nang invite sayo dito? Suit your self feeler... Nakaya mo ngang gumawa ng kung anong plano, yan lang di mo kaya? LOSER!
Halos itapon ko na ang phone ko sa inis pagkatapos ma sent ang reply ko. Pero nang umilaw ito ulit hindi ko na inasahan ang nabasa kong reply mula sa kanya.
LANGGA:
K, tnx!
Napataas ang isang dako ng kilay ko habang pinagsusuntok ang phone ko. Bwesit, nakakainis sya. Hindi ako papayag na kokontrolin nya ako. Hinding-hindi ako papayag.
Nakaidlip ako sa kakaisip, sumakit ang ulo ko sa inis sa kanya. Pakiramdam ko na bypass ako sa lahat ng nangyayari sa amin. Pakiramdam ko kinokontrol nya ako, lahat ng nangyayari sa buhay ko.
"Aye, gising na!" nagising ako sa malambing na boses ni Mamita. May kasama itong malambing na haplos sa braso ko na syang pumukaw sa mahimbing kong pagpapahinga.
"gising na, kakain na tayo" nakangiti nyang sabi.
Tumango ako sa kanya.
"sunod kana agad para sabay-sabay na tayong lahat" pagkasabi nya ay lumabas din agad ito.
Ngumuso ako at bumangon. Inayos ko ang buhok ko bago ako suunod sa kanya. Paglabas ko palang ng pintuan, nasalubong ko kaagad ang mukha ng taong... Pwede ba?... Na nakayuko at nakatayo sa tabi ng pintuan.
Napatitig ako sa kanya at hindi ko na iwasang itaas ang isang dako ng kilay ko sa inis. "nandito ka pa pala?" mapanghamon kong sabi.
"hali kana kakain na tayo" nakangiti nyang sabi, "huwag kang masyadong grumpy, kawawa naman ng magiging anak natin" kumindat sya sabay akbay.
"huwag mo nga akong lapitan kung ayaw mong mapatay kita!" bulong ko sa kanya at siniko ko pa bago ako tuluyang bumaba ng hagdan.
Dinig ko ang munti nyang tawa at lagapak ng paa nya.
Magkatabi kaming umupo, halatang kami lang ang hinintay nilang lahat, tulad ng nakasanayan namin sa bahay, sabay-sabay kaming nagdasal at kumain.
"mabuti naman Alex at hindi ka nahihirapan sa apo namin" si Mamita
Umiling si Alex at ngumiti, "hindi naman po Mamita"
Napataas ang isang daku ng kilay ko. Mamita? Kasal na ba tayo?
"anong pinaglihian mo Aye?" si Ate
Umirap ako, "wala" mataray kong sagot.
Napailing si Papi sa ginawa ko. Aminado naman ako sa amin ni Ate, ako ang pasaway at laging nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanila.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...