Part 63

22.6K 493 19
                                    

CHAPTER 63

{Irah POV}

Nasa banyo ako at nagpapalamig sa tub, kagabi pa ako naiinitan at hindi mapakali. Maliban sa sumasakit na ang lagusan ko at nanamlay na ang mga binti ko hindi ko rin matake ang paninigas ng tiyan ko.

"Rose hindi pa ba ako manganganak?" tanong ko sa kanya.

[Gaga, wag ka ngang excited two weeks pa nga diba. Kung sasakit man yan ibig sabihin malapit na. Malapit palang pero hindi pa ngayon.]

Napapikit ako ng mga mata ko nang makaramdam ako ng kirot ulit.

"Sige na nga tawagan nalang kita ulit mamaya kapag hindi ko na talaga kaya."

[Okay dear, see you tomorrow]

"Okay" binaba ko ang tawag at nilagay ang phone ko sa side table na katabi ng tub.

Pinilit kong bumangon sa tub para makapagbihis. Bababa na ako para mamaya kung dumating man sina Mom at Kuya hindi na ako mahirapan pang bumaba o naman kaya'y marinig agad ang mga boses nila.

Pinunasan ko ang katawan ko at sinikap na makasuot ng underwear. Naglagay ako ng lotion sa kamay at cream anti stretch mark sa tiyan nang maramdaman ulit ang pagkirot sa tiyan ko. Nabitawan ko ang cream na hawak ko. Kumalat ito sa paanan ko na lalo ko lang kinainis.

Galaw ng galaw ang anak ko sa loob ng tiyan ko. Pakiramdam ko umiikot sya at naghahanap ng magandang pwesto. Halos ramdam na ramdam ko pa ang bawat sipa nya sa mga laman loob ko.

Humakbang ako para sana kunin ang ang dashiki kong damit na pinadala ni Dad para raw hindi ako mahirapan magsuot pero sa paghakbang ko hindi ko inaasahan na madulas ako sa kumalat na cream na nahulog ko. Napaupo ako ng wala sa oras, ramdam na ramdam ko ang pagkabinat ko at pananakit ng buong balakang ko.

"Shit!" pinilit kong makatayo pero pati mga kamay ko nalagyan narin ng lotion.

Ginapangan ako ng kaba ng makita ang ilang tulo ng dulo at tubig sa sahig. Pinilit kong makuha ang damit ko para makapagbihis. Halos gapangin ko ito lalo na't madulas pa ang sahig.

"Allan!" Napapaos kong sigaw. Nawawalan na ako ng lakas. Sa tubig humihinga ako napapaihi ako ng tubig. Hinanap ko ang phone ko pero nanlumo ako lalo nang matanaw ito sa side mesa katabi ng tub mula sa nakabukas na pintuan.

Wala si Mom at kuya. Naggrocery si Mom habang si Kuya binisita ang bar nya. Si Lexo nagpaservice ng sasakyan at tanging si Allan lang ang kasama ko rito.

"Allan!" sigaw ng isipan ko. Sana maisip nyang umakyat para matulungan ako.

Wala akong nagawa kundi umiyak habang pinagmamasdan ang naghahalong dugo at tubig na unti-unting dumadami mula sa kinauupuan ko.

Naghanap ako ng paraan na makahingi ng tulong. Ginapang ko ang telepono para lang makatawag pero nang mahawakan ko na hindi ko rin alam kung sino ang tatawagan dahil wala rin akong maalalang number. Nablangko ang lahat sa isipan ko. Nagmukha akong tanga na hawak ang phone at walang maidayal na numero.

Pinindot ko ang red button. Ang sabi ni Lexo kapag kailangan ko ng tulong ito ang pipindutin ko. Dalawa o tatlong besis, hindi ko alam ilang besis kong penindot yun.

Tumunog ang phone ko at nasa malayo. Tanging pakikinig nalang sa rington ang magagawa ko dahil sa layo nito.

Tumunog ang telepono sa tabi ko. "Hel-"

[Aye si Klitz to]

"Klits tulu" mahapdi at naninigas na ang tiyan ko sa tuwing magsasalita ako.

[Papunta na si Rosie dya--]

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon