Salamat po sa suporta madlang people... sisikapin ko pong maka-UD the soonest para hindi kayo mabitin... sorry talaga... :)
CHAPTER 20
{Alex POV}
Nagising akong mag-isa sa kama. Masakit ang ulo ko sa sobrang lasing. Naligo ako bago bumaba.
Naabutan ko si Kuya na nakaupo at dining table namin at nakayuko. Masakit din siguro ang ulo nya.
"hi" biglang bati ni Aye sa akin sabay lapag ng tasa sa harapan ko. Hinalikan nya ang ulo ko na kinagulat ko. Nagsex lang kami kagabi bumait na agad? Kamandag ko nga naman oh!
Sinuri ko muna ang kapeng nilapag nya kung kapareho ba ito ng nakaraan. Napangiti ako nang mapansin na pino ito.
"inumin mo na yan, nakadalawa na nga ako eh!" si Kuya.
Nangunot ang noo ko, "dont tell me ipinagtimpla karin ng asawa ko?" tanong ko sabay turo ng mga tasa sa harapan nya.
"oo naman, bawal bang mapagsilbihan ako ng sister in law ko?" pang-aasar nya.
Umiling ako. Fuck you!
Pinagmasdan ko syang nilalapag ang mga niluto nila ni Mom. Nilapag ng katulog ang isang malaking soup bowl sa harapan namin ni Kuya. Amoy palang alam ko nang masarap.
Nilapag din ng isa pang katulong namin ang mga maliliit na mangkok at kutsara sa harapan namin.
"tikman nyo yang arroz caldo ni Irah, napakasarap" si Mommy.
Binuksan ni Kuya ang bowl at mas lumabas ang bango nito. Nauna syang kumuha at humigop. "galing naman, ang sarap nga!" sabi ng kapatid ko.
Kukuha na sana ako nang maunahan ako ni Aye sa sandok. "ako na 'ga" sabi nya ta pinagsilbihan ako. Pinagmasdan ko sya habang nakangiti syang sumasandok ng soup.
Tinikman ko ang niluto nya, napangiti ako sa sarap. First kong makatikim ng arroz caldong lutong bahay.
"sarap naman" sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Malapad ang ngiti nya sa akin at kumindat po ito. "syempre may gayuma yan!" sabi nya na kinatawa namin ni Kuya.
"pati ako ginagayuma mo na ngayon Aye?" tanong ng kapatid ko.
Umiling sya, "kilala ng gayuma si Lexo, kaya alam na nila kanino lang sila pwedeng uubra" mayabang nyang sabi.
"talaga lang huh?" panunukso ni Kuya. "maganda ka pala Aye?" dagdag pa nito.
Napailing ako sa kapilyuhan ng kapatid ko.
Seryoso syang tinitigan ni Misis at nagtaas ito ng kilay kay Kuya.
"matagal na akong maganda kuya Bruce" pasimply nitong sabi na kinatawa ni Mommy.
"ito ang pruweba oh" tinuro nya ako.
Natawa si Mom. "tama!" gatong ni Mom.
Napailing ako, masaya syang natawa dahil hindi na nakaangal si Kuya.
Pagkatapos ng breakfast, inikot ko sya sa kabuuhan ng lupain namin. Gamit ang jeep type naming sasakyan. Umikot kami sa koprahan at hanggang sa pagawaan ng mantika.
Halos tanghali narin kami nakauwi. Pagdating namin sa bahay, napangiti ako nang makita ang mga maletang nasa salas.
Magkasalikop ang mga kamay namin na pumasok sa bahay. Napangiti ako nang makita ang mga papaer bag ng paborito kong snack house sa London.
"they're here!" boses ni Kuya.
"sinong dumating?" nagtataka nyang tanong sa akin.
Ngumiti ako at tinitigan sya, sarap sanang takutin at pagtripan nito kaso baka magtampo to mamaya at matarayan nya si Dad.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...