hello, sorry kung natagalan. PeaceOut Pipz!
CHAPTER 21
{Irah POV}
Natulog ako buong hapon, pagkatapos kong umiyak ng umiyak kanina sa sobrang gulo ng isipan ko nakatulog ako. Hindi ko alam paano ako nakarating sa kama, basta pagkagising ko nakahiga na ako sa kama, may kumot at maayos nang nakahiga.
Pasado alas dyez na ako nakagising, tahimik na ang paligid. Mabilis akong bumangon dahil ihing-ihi na ako. Nilinis ko ang mukha ko, nagsepilyo ako at inayos ang buhok ko.
Paglabas ko, napansin ko kaagad na wala si Alex sa kama. Umupo ako sa dulo at sinikap na gisingin ang sarili.
Naisip ko ang huling scenario naming dalawa kanina. Alam kong may point sya, pero hindi ganun kadali ang lahat.
Nakamove on na ako bago kami ulit nagkita, Im doing fine at okay na ako kay Chen. Masaya na ako at kampante. Almost gusto ko na ngang sagutin sya at handa naring magpakasal sa kanya pero nangyari ang lahat ng to.
Hindi ganun kadali ang lahat na bigla ko nalang iwan sa ere si Chen, na bigla ko nalang syang kakalimutan at bigla ko nalang syang iiwasan. Hindi ganun kadali lalo na't sya ang naging lakas ko para makamove kay Lexo before.
Napakaunfair naman kung biglaan ko syang iiwan sa ere knowing na tinanggap nya ako ng buo, minahal at nirespeto. Minahal din ako ng pamilya nya kahit alam nilang wala akong dugong chinese.
Napalingon ako nang makarinig ako ng tunog ng upuan sa veranda.
Sarado ito, nakababa ang kurtina. Bukas kasi ang aircon kaya siguro nakasara na.
Ang alam ko, lalabas dapat kami ngayon at pupunta sa bar ni Kuya Bruce pero dahil sa naging tampuhan namin, hindi nila ako sinama.
Humiga ako at pinatong ang mga braso ko sa noo ko. Problema ko talaga paano sasabihin kay Chen ang sitwasyon ko ngayon. Baka sabihin nyang niloko ko sya, umuwi lang ako dito nagpakasal na agad, tapos ang pinakasalan pa ang lalaking naging rason pa ng pagkaroon ko ng bitter life.
Napalingon ulit ako nang marinig ang ingay sa veranda, tunog ng hinilang upuan.
Sa vernada ni Lexo meron syang dalawang steel chair na hugis bilog na kakasya ang dalawa tao. Nakaharap ito sa magandang tanawin at malapad nilang lupain.
Sabi nya sa buong parte ng bahay nila, yung veranda nya ang pinakapaborito nyang spot, kasi maganda raw ang hangin at maganda ang view, relaxing at very inspiring. Nakakatuwang pakinggan ang inspiring pero later on narealize ko ring mahilig pala sya sa real estate kaya siguro yun ang nasabi nya.
Tumayo ako at sinilip ang veranda, alam kong imposible na magkaroon ng magnanakaw rito kasi mataas at mahirap akyatin ang bahay nila lalo na't maganda at safe ang pagkagawa ng bahay nila.
Napangiti ako nang makita syang nakaupo, nakapatong ang paa nya sa railings, nakaheadset at may yosing hawak. Unang besis ko itong makita syang may yosi pero imbes na maturn-off, parang mas naging maangas ang dating nya ngayon sa akin.
Binuksan ko ang pintuan dahan-dahan. Napalingon sya pero agad nya ring binalik ang mga mata nya sa tanawin.
Nakanguso akong lumapit, gusto ko sanang umupo sa tabi nya pero pagkahawak ko palang ng upuan nanginig na agad ako sa lamig nito.
Lumapit ako at napahawak sa railings, nagulat ako dahil ganun din malamig din ito kaya mabilis ding umatras ang kamay ko. Narinig ko ang munting tawa nya sa ginawa kong pag-atras ng kamay ko. Napailing sya kaya mas ngumuso ako. Pinagtawanan ba naman ako?
Naglahad sya ng kamay sa akin at napatitig syang nakangiti.
Ngumiti ako at inabot ang kamay nya na kinahila nya sa akin ng dahan-dahan. Pinaupo nya ako sa lap nya at niyakap.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...