Part 65

25.8K 547 39
                                    

CHAPTER 65

{Irah POV}

Nasa salon kaming apat ngayon at nagpapaayos, party ni kuya James mamaya sa pop club. Anniversary party, only few are invited.

Napagtripan namin na ayos ng buhok. Simula nang nabuntis ako hindi na ako napunta sa mga ganito dahil ayaw ni Lexo na makalanghap ako ng mga chemicals.

Mahaba narin ang buhok ko, minsan problemado ako kasi naiinitan na ako.

"Why not magpagupit ka kaya? Yung layer pero maikli or yung pang Anne Curtis?" si Mika.

"Oo nga para maiba naman ang look mo" si Camilla. Nagpakulot sya ng buhok habang si Rosie at Mika naman nagpakulay at ako naman magparelax lang sana para gumaan naman ng kunti.

Pinarelax ko at pinaputulan, pinakulayan ng dark brown. Hanggang balikat nalang ang haba ng hair ko. Nakakapanibago ang ukha ko dahil mula sa blond kong buhok na mahaba, napunta sa maikli.

Napangiti ako sa produkto. Pakiramdam ko bumata ako ng sampung taon.

"Lagyan mo ng kaunting bangs para bagets tingnan" sabi ni Camilla.

Sinunod naman ng bakla ang suggestion ni Cam, napangiti ako nang makit ang maganda kong mukha sa resulta ng ng bagong make-over ko.

"Pagugupitan ko si Pau ng ganyan para mas lalo mainlove si Dutch sa kanya at mapasamin na ang WB company" tawang sabi ni Mika.

Napahalaklak kami sa birong yun ni Mika.

"Bruha wag mo ngang sirain ang plano ng anak kong mag-aral sa boys school" napanguso si Camilla. May mga biruan kasi kami para sa mga anak namin.

Sabay kaming pumunta ng party. Diretso na after naming makabihis.

"Buti nalang pumayag ang mga boys na sila na muna ang bahala sa mga kids" si Camilla. "Nakakamiss din ang ganito, girls bonding."

"Oa nito" saway ni Rosie. "Buti ka nga na ganito tayo minsan lang magkita para sobra nating mamiss ang isat-isa"

"Sabagay" kibit balikat na pagsang-ayon ni Mika.

Pagpasok namin, may mga bisita nang dumating. Buhat-buhat ni kuya si XP at pinapakilala sa mga kaibigan nya. Nandon din ang kapatid ni Mika. Yung ibang.mga mukha familiar pero hindi ko na naalala ang mga mukha.

Napanguso ako nang makita si Lexo na kausap ang mga kaibigan nya, may ilang mga modelo at may ilan ding mga school mates namin dati.

Napangiti ako nang makita si Camilla na sekretong binubulungan ni Klitz, siguro dahil sa suot nya. Masyadong mababa ang pagka off-shoulder ng damit nya. Bagay naman ang damit nya kaso strict si Klitz.

"Your here!"

Nagulat ako sa biglang paglitaw ni Alex sa harapan ko. Nakangiti sya at masaya ang buong aura.

"San si Xandy?" napanguso ako nang hindi ko na mahagilap si Kuya sa paligid.

Hinalikan nya ako at may binulong sya. "Your so beautiful tonight" napangiti ako sa makiliti nyang boses.

"Nandon na kay Dad, nasa opisina na sila inaantok na kasi si XP" ramdam ko ang kamay nya sa beywang ko.

"Tigilan mo na nga yang pagtawag mo ng XP sa kanya, Xandy ang palayaw nya" inis kong bulong. Ayaw kong tinatawag syang XP kasi parang tunog expired.

"Relax, oo na Xandy na" ngumiti sya. "Stay close tonight Ga, your too pretty to be display here" napasiko ako sa tagiliran nya. Ang oa. Kala naman nito sobrang ganda ko para may mga ganyang possession act pa syang nalalaman.

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon