Part 33

21K 417 3
                                    

CHAPTER 33

{Irah POV}

Gabi na ng makauwi kami, buti nalang at hindi nagpasobra ng inom si Lexo.

Pagdating ng apartment, pinauna ko syang maligo at sumunod ako. Bukas na agad ang balik nya sa Milan at dalawang linggo na naman sya mawawala.

Habang nasa kusina ako at inaayos ang mga dala naming mga bring home food, naisip kong ayusin narin ang meron kami ni Chen. Ayokong maging reason sya ng future problem namin ni Lexo.

Alam kong masasaktan ko sya pero wala na din akong magagawa, walang desisyong nagagawa ang tao na walang nasasaktan.

Naalala ko bigla ang sabi ni Rosie kanina. "We can ask help to Han"

Sa phone ko hinanap ko ang number ni Han. Nang makita ko napangiti ako. Sinubukan kong imisscall kong gumagana pa ba, nang marinig kong magring, binaba ko na agad.

Bukas pagkaalis ni Lexo, itetext ko kaagad si Han at hihingi ako ng tulong sa kanya.

"Ga!" halos mapatalon ako sa gulat sa presensya nya.

Nangunot ang noo nya at tinitigan ako ng mabuti.

"what's wrong?" alalang tanong nya sa akin.

Umiling ako at ngumiti. Mabilis kong binalik ang phone ko sa bulsa ko at isinara na ang ref.

Napatitig sya sa akin pero inunahan ko na sya ng ngiti.

"are you done?" tanong ko. Napatango sya pero basang-basa ko sa mga mata at titig nya sa akin ang pagkabahala. "namiss ko lang si ate bigla, yung condo at tsaka ang hacienda. Babalik ka na kasi bukas sa MIlan hindi manlang tayo nakapunta doon" nakanguso kong sabi.

Napangiti sya sa akin. "pagbalik ko nalang" sabi nya.

Napatango ako pero alam kong iba parin ang nasa isipan nya ngayon. Kilala ko si Lexo, mabilis mabasa sa mukha nya ang naglalaro sa isipan nya.

Sabay kaming pumasok sa kwarto. Pinaandar nya ang TV habang ako naman dumiretso agad sa banyo.

Nilapag ko ang phone ko sa side table bago ako bumalik sa banyo.

Binabad ko ang sarili ko sa malamig na tubig ng shower at hinayaang maibsan ang pagod sa katawan ko.

Halos kalahating oras ako sa loob ng banyo. Paglabas ko, aabutan ko si Lexo na nakadapa at pagod nang natutulog.

Tahimik akong nagbihis at nahiga sa tabi nya. Dumikit ako sa kanya at kinulit sya, "ga, alis kana bukas" bulong ko.

Hindi sya umiimik pero alam kong gising pa sya. Sa loob ng ilang buwan naming pagsasama, napag-aralan ko na sya. Hindi sya agad-agad nakakatulog kahit nakapikit na sya.

"uy, i know your still awake" pangungulit ko.

Hindi parin sya sumasagot, nakapikit lang sya at napabuntong hininga sya.

"Ga!" pangungulit ko.

Ngumiti syang nakapikit sa akin. "still have energy?" tanong nya.

Idinilat nya ang isang mata nya at ngumuso sya.

Tumango ako at napatawa, i know what he mean by that.

Mabilis syang tumayo at hinubad ang suot nyang shirt na pang-itaas. Pumatong sa akin at umupo sa taas ko habang hinuhubad ang suot kong sando.

Aalis na sya bukas, bilang asawa kailangan ko syang pagbigyan para hindi sya maghanap doon.

Ramdam ko ang pananabik nya sa bawat bayong ginagawa nya. Minsan napapaisip ako kung may pagkakataon bang magsasawa na naman sya ulit sa akin at iiwan nya na naman akong nakaasa sa kanya.

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon