Part 3

37.6K 673 9
                                    

hello bitch15 thank u sa comments last chapters... salamat din sa mga sumuporta nito... 

CHAPTER 3

{Alex POV}

Kakauwi ko lang galing Milan, pagod at wala pang pahinga buhat sa magkasunod-sunod na trabaho sa loob ng dalawang linggo.

Uuwi ako kasi nasa bahay si Mommy, halos limang buwan na kaming hindi nagkikita. Nagtatampo na si Dad kasi wala na raw akong oras para besitahin si Mom.

"ilang araw na si Mom sa bahay?" tanong ko kay Allan na all around boy ko.

"noong isang araw pa Nong, nasa bahay lang nakatambay at nagluluto" sagot nya.

Pagkabukas ng gate, mabilis akong bumaba at hinanap si Mommy sa loob ng bahay ko. Naabutan ko syang masayang nanonood ng Filipino Film. Mga kapanahunan nyang movies na ubod ng kacheapan.

"mom?" masaya akong tumabi sa kanya.

"bunso ko!" niyakap nya agad ako at nanggigil na hinalikan ako sa mukha.

Dalawa lang kaming magkapatid, kaya ganito nalang sya makamiss sa amin ni kuya dahil lagi kaming busy sa mga kanya-kanya naming raket, mas lalo na si Dad na laging nasa travel at trabaho.

Bilang nag-iisang babae sa mga buhay namin, ang hindi sya mapagbigyan sa kung anong hihilingin nya ay mahirap para sa amin. Pag ito kasi ang nagtampo, tiyak na sasakit ang ulo mo sa kakasuyo.

"ikaw ha? Nagpakasal ka pala na hindi mo ako sinabihan. I cant believe i raised a selfish kid in you" umirap sya at matulis na naman ang nguso nya.

"huh?" nangunot ang noo ko. "kasal?"

"oo, kung hindi pa ako pakealamera sa mga gamit mo hindi ko malalaman na may marriage certificate ka na pala" tumayo sya at may kinuhang nakaenvelope sa lagayan ng mga mails ko.

Inabot nya sa akin ang nakabukas nang envelope.

Binuksan ko ito at pagod na binasa ang laman. Nanlaki at napalunok ako nang makitang NSO ito ng Marriage certificate, namin ni Irah?

FUHHHH!

"kanino galing ito?" mabiilis akong tumayo at hinanap si Allan.

"sino nagpadala nito" tanong ko kay Allan na naguluhan din bigla.

"nakuha ko lang yan nong sa mail box sa labas" sagot nya.

Napahilot ako ng noo ko, "Shit!" inis kong mura.

"galit ka ba bunso dahil binuksan ko yan at nalaman na kasal ka na?" napatitig si Mom sa akin. "may plano kabang itago yan sa akin?" ayan na nagtatampo na. Tangina!

Napahalukipkip syang naglakad papunta sa kwarto nila ni Dad.

"mom hindi ah, hindi ko nga alam ang tungkol dito. Bakit ko naman isesekreto sayo ang pagpapakasal ko." sinundan ko sya pero nang makarating sya sa pintuan ng kwarto nila napahinto sya at nilingon ako.

"kung hindi mo yan sinisekreto, iharap mo sa akin ang asawa mo at ipakilala mo ako bilang ina mo" malungkot ang mga mata nya. "pareho lang kayo ng Kuya mo, sumisekreto!" at tsaka sinara ang pintuan.

TANGINA!

Umuwi ako dito para mapasaya sya hindi para paiyakin sya.

Ilang besis kong hinilot ang sentido ko sa inis. Si Irah lang ang tanging may alam nito. Ang tanging alam kong pwedeng gumawa nito sa akin.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan si Miller Boi.

[yoe bro, are you home?] bungad nya.

"FUHH! May alam ka ba sa NSO na ito?" inis kong binitawan agad ang issue.

[NSO?]

"cut the lies bitch!"

[wait! Im serious i have no idea about what are you talking about!]

"may NSO kami ni Irah, Marriage certificate! Damn!" nanggigil ako sa inis.

[you mean, officially recognized ang fake marriage mo sa kanya?]

"siguro! Pakitanong nga si Rose kung ay alam sya tungkol dito?"

[my wife is busy tending our children bro, pinapatulog nya ang mga anak namin, mamaya nalang!] nalaglag ang panga ko sa sinabi nya.

"bullshit im serious here Millz"

Gago, gusto nya bang utuin ko rin ang sarili ko na may anak sya? Anak na aso? Anong akala nya sa akin, pareho nyang siraulo na nagpapauto kay Rosie?

[bullshit karin, anong gusto mo kami ang mag-away dahil maiistorbo ko sya?]

Huh? Gago!

"ewan ko sayo! Sa inyo!"

[ewan ko rin sayo! Sa NSO mo!]

FUHH!

Inis kong nilapag sa mesa ang envelope at kinatok si Mom sa kwarto nya.

"Mom sorry na, magpapaliwanag ako" masuyo kong sabi.

Hindi sya sumagot, kumatok ulit ako pero ganun parin, katahimikan nya ang napapala ko.

"Mom naman?" binuksan ko ang pintuan at nagulat sa ginagawa nya, nag-iimpake sya ng mga damit nya at...

"mom what are you doing?" pinigilan ko sya, namumula ang pisngi nya.

[Lexo, what are you doing to your Mom?]

Napasapo ako sa noo ko nang marinig ang boses ni Dad. Patay!

"nothing Dad, nagtatampo lang si Mom" sabi ko habang nakatayo sa tabi ni Mom.

"he's keeping something from us hon, he secretly married someone without telling me, without telling us" nanlumay ang boses ni Mommy, nangilid ang mga luha nya habang nakaharap sa akin.

[LexxxoOOO!] napahilamos ako ng palad ko sa inis, basta sumusuprano na ang boses ni Dad, nagagalit na yan. Si Mom ang kahinaan nya. so Mom lang ang nagpapakalma sa kanya.

"yes dad" sagot ko.

[is that true?] diretsa nyang tanong.

"that was just a game, i dont know why it turns out like this" sagot ko. "that marriage was not real!" paliwanag ko. "Mom!" kumapit ako sa braso nya para mapahinto sya sa pagbalik ng mga gamit nya sa maleta nya.

"iharap mo sya sa akin, maniniwala ko kung sya mismo ang magpapaliwanag sa akin!" sabi nya.

Napaawang ang bibig ko. "that's impossible Mom, hindi ko na nga mahagilap yan! i just met her that afternoon" inis kong paliwanag.

Tangina! Hindi nya pwedeng makilala si Irah! Baka totohanin ni Mom ang kasal namin at pakiusapan nya si Irah na magsama kami pagnagkataon.

"natatakot ka kasi totoo to? Gumagawa kapa ng palusot anak!" saway nya sabay kuha ng braso nya sa akin.

"Mom yung totoo, my boyfriend na yan" napakamot ako ng ulo, naiinis na ako. Pagod na pagod pa ako tapos ito lang ang dadatnan ko?

"No son, your just selfish!" napaupo sya sa tabi ng maleta nya. "Hon, please get me a ticket back to cebu" nakanguso nyang sabi.

[Lexo, can i talk to you son!] pagod na boses ni Dad ang sumagot kay Mom.

Dinampot ko ang phone at tinanggal ang loud speaker. "dad?"

[give what your mom wants son, we all know she's too stress being away from us. Dont do this to her. Understood?] mahinahon pero mautoridad ang boses ni Dad. Mahirap tanggihan lalo na't hindi sila nagkulang sa pag-bigay ng lahat ng gusto namin ni Kuya.

[son?]

"yes dad!" napapikit ako at desperadong binaba ang phone.

FUHH! Im done!

"Mom, listen to me please?" yumuko ako sa harapan nya at hinawakan ang mga kamay nya, pero inurong nya ito at tumayo.

Nangoot ang noo ko.

Napangiti siya at biglang kumapit sa braso ko. "invite her tomorrow for lunch" at hinalikan ako sa noo. "i miss you so much bunso!" at iniwan akong nakanganga sa hangin!

FUHH!

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon