CHAPTER 8
{Alex POV}
Pagkatapos ng hapunan, nauna na si Mom magpahinga, advice kasi ng doctor dapat before nine, nakatulog na sya para mabaawasan ang stress nya na syang laging dahilan ng pag-aatake ng sakit nya.
Dahil wala akong vacant room ngayon, hindi ko pa kasi napaayos ang tatlong room na para sana sa kapatid ko at sa parents ko, sa guest room natutulog si Mom pansamantala. Kaya wala akong choice kundi sa kwarto ko sya patutulugin.
"wala akong choice kundi dito ka patutulugin sa kwarto ko" walang gana kong binuksan ang kwarto ko.
"charr, walang choice?" umirap sya at inunahan ako sa pagpasok. "kelan ka pa nagkachoice?" napailing sya at tumayo sa harapan ng kama ko.
Parang sinusuri nya ang laki nito. Nilingon nya rin ang sofa set sa gilid ng glass door ko.
Nagtaas sya ng kilay at pinagmasdan ako. "i'll sleep on the sofa" sabi nya.
Umupo sya sa dulo ng kama ko at hinubad ang suot nyang sapatos, minasahe nya ang paa nya habang nasa glass door ang mga mata.
Dumiretso ako sa closet para kumuha ng maluwag na shirt para sa kanya. Nagtaas ako ng isang kilay ko nang maalala na hindi pala sya sanay magsuot ng pajama.
Naabutan ko syang nasa harapan na ng glass door ko, nakangiti at parang may sinisilip.
"still the same right?" inagaw ko ang atensyon nya kasabay nang paglahad ng shirt ko sa kanya.
Umirap sya at kinuha ito, hindi sya sumagot ng oo, hindi kahit nga thank you wala eh!
"saan ang banyo mo?" tanong nya.
Tinuro ko ang isang maliit na hallway papuntang closet at banyo. Walang gana syang naglakad papunta roon nang makaliko na sya, hinubad ko narin ang pang-itaas ko para makapaghanda narin sa pagtulog.
"help me with this" tumalikod sya sa akin. "hindi ko kasi maabot ang zipper" sabi nya.
Patay malisya kong tinanggal ang hook at binuksan ang zipper hanggang... FUhh! I miss her butt! I miss this butt!
"thanks!" walang gana nyang sabi at bumalik na sa loob. Paglabas nya, nakapalit na sya ng damit at nakahilamos narin. Lumitaw ang makinis nyang kutis, namumulang pisngi at pinkish na labi.
Nakapaikot ang buhok nya na parang tinali sa taas ng ulo nya.
Pinilit kong iwasan syang titigan mula ulo hanggang paa, the curves, the legs and the butt. Somewhat my favorites in her body.
"sleep na ako, maaga tayo bukas uuwi ha?" sabi sabay kalikot ng phone nya. Umupo sya sa sofa at inayos ang mga throw pillows nito.
"you can sleep on the bed Aye, were doing this before right? What's new?" pagod ko syang hinarap.
Napatitig muna sya sa akin, tumango at lumipat sa kama ko. "stay on your space" nilagay nya ang isang unan sa gitna ng bed.
Hindi ko na sinagot, diretso na ako sa banyo at hinayaan na lang syang maunang matulog.
Kanina after lunch, naisip kong kunin ang phone nya at ibalik sa kanya. Baka kasi my mga emergencies at ako ang maging dahilan ng delay actions and response nya. Pero nawala sa isipan ko yun, si Allan siguro ang nauto nya kaya napa sa kanya ulit ang phone nya.
Naligo ako at nagbabad ng kaunti sa baba ng shower. Kinakalma ko ang sarili kong mag-isip ng kung ano-ano ngayong gabi. Its been what? Three years ago or something? Matagal-tagal narin pala!
Suot ko ang boxers ko at sando, naabutan ko syang mahimbing na natutulog sa kama ko, nakatali parin ang buhok nya at nakabalot sya sa kumot.
Nilapitan ko ang aircon at pinahinaan ito. Dahan-dahan akong umupo sa space kong binigay nya. Tang-ina! Kama ko to diba?
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...