CHAPTER 1
Hapon na, wala kaming maisip na gawin na mga babae kundi ang maghamunan. Dahil inimbita ni Camilla ang pinsan nyang nandito sa Maynila para magprocess ng lisensya nya sa pagiging abogado ay sinamantala naman nina Mika at Camilla ang pagkakataon.
Naghanda sila ng mga laro na pampagana lang.
"Di ba Kuya pwede ka nang manguna sa kasal" tanong ni Camilla sa pinsan nya.
Tumango ito at inayos ang salamin, "bakit sino ang magpapakasl?"
Umiling sila, "balak sana namin maglaro ng kasalan" sabi ni Mika.
"anong trip nyong laro?" weird naman ng naisipa nilang laro.
Umiling ang pinsan ni Camilla. Si Rosie naman napatingin lang sa akin. Parang may sinasabi ang mga titig nya sa akin.
"ano ba ang dapat ihanda kapag magpapakasal?" tanong ni Mika.
"oo nga noh, surpresa kasi pareho ang kasal namin ni Mika kaya hindi namin yan napaghandaan" si Cam.
"pre-nuptial agreement, registration, seminars" yan ang ilan sa mga narinig kong sinabi nyang sagot sa dalawa.
"kung ngayon kami ulit magpapakasal ano ang pwede lang namin magawa?" si Camilla ulit.
"seriously? May plano ka na naman magpakasal ulit Camilla?" ako
Umiling sya, "nagkokonsulta lang teh!" sagot nya.
"pwede ang pre-nuptial lang, tapos follow up nalang after ang registrtaion sa munisipyo" sagot ng pinsan nya.
"ano po ang sinusulat sa pre-nup?"si Mika.
"yung mga bagay na gusto mong ibahagi o hindi, mga kondisyunes at mga dapat sundin ng bawat isa" yun ang sinagot nya.
"kung halimbawang ipapakasal namin si Irah ngayon at si Rosie, pwede?" nakangiting tanong ni Camilla.
Bakit ako?
Bakit ako nasali?
"pwede, depende kung okay sa both party!" sagot nya. "legal age naman ang bawat isa sa kanila di ba?" tumango ang dalawa sya sa kanya.
"Mika gawin mo na ang pre-nup para maisatuparan natin ang kasalan nila." tumango si Mika sa sinabi ni Camilla.
May sinulat silang dalawa na kinatawa lang namin ni Jana, mga loka-loka!
"Camilla ano na naman yan?" saway ni Rosie.
Nagtaas ng kamay si Camilla sa ere na para bang pinapatahimik si Rosie.
"para ito sa ikakabuti ninyo" seryoso nyang sabi na kinailing namin ni Jana.
"okay na Kuya Luke, pakicheck kung okay na ba ito?" inabot ni Camilla ang papel sa kanya at binasa nya naman ito.
Tumango sya. "kailangan makaperma ang dalawang ikakasal dito" nakangiti nyang sabi.
"sure!" masayang sabi ni Mika.
Pagkabalik sa kanya ng papel, tumayo agad silang dalawa ni Camilla at nagtungo sa entertainment room para papermahan iyon.
Dinig na dinig ko ang mga mura ng mga boys pero mas nangibabaw ang ingay ng dalawang makukulit.
Malakas ang tawa ng mayabang na lalaki, "ill sign for the sake of my long lost soulmate!" parinig nya.
"Tsk! Walang kupas!" napailing ako.
Masayang bumalik ang dalawa bitbit si Kovda.
"oh come'on guys! Im not yet prepared. Hindi nyo man lang ako pinalagay ng gel?" sabi nito na kinatawa ng lahat. Umiling sya at palokong naglakad palapit sa akin. "hindi ko alam na pwede palang ikasal ang babaeng nakasuot ng itim?" pinasadahan nya ako ng tingin lalo na ang suot kong damit.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
Fiction généraleNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...