Part 45

22.1K 494 12
                                    

Thank you po sa suporta people... 

CHAPTER 45

{Alex POV}

Nasa loob ako at kausap si Olga, its been awhile nang huli kaming nag-usap ng maayos at ganito ka tahimik.

"congratz pala" nagtaas sya ng kilay sa akin.

Ngumiti ako at umiling.

"hindi ko talaga kayo magets, lahat kayo" dagdag nya pa.

Nangunot ang noo ko sa gusto nyang sabihin.

"lahat kayo pararehong nahulog sa mga bitag nilang apat" napailing sya.

"hanggang ngayon ba bitter ka parin?" napahawak ako sa labi ko at pinaglaruan ito habang nakatitig sa kanya.

"stop staring at me Kovda, ayoko ko sa may asawang lalaki"

"really?" mas diniinan ko ang titig ko sa kanya.

"I said stop it!" saway nya.

Mas tinitigan ko pa sya lalo. I miss her annoyance. Her bitter and mean face. Kaibigan sya namin kahit lagi syang antagonist sa mga buhay pag-ibig namin.

Yumuko sya at napanguso. She's pretty. She deserve a man more than me.

Tumunog ang phone ko.

LANGGA:

Hoy Tanda! Wala kang plano umuwi? Nagugutom na ako!

Napangiti ako, the boss is bossy again. Mabilis akong nagtipa ng reply, iritada si wife at mas lalo na ngayon.

Ako:

Coming mahal kong Reyna

Hindi ko pa nailagay sa bulsa ko ang phone ko, tumunog na ulit ito.

LANGGA:

Nakikipaglandian ka na naman dyan sa pathetic mong fan!

Napailing ako sa text nya. Mabilis kong binalik ang phone ko sa bulsa ko at nagpaalam kay Olga pero di paman ako nakalabas, bumukas na ang pintuan at niluwa nito si Miller na namumula ang pisngi at hinihingal.

"Mills!" si Olga.

"ang bilis mo ah!" - ako.

Napatingin lang ito sa amin at nilapitan ang anak. "anong sabi ate?" tanong nya habang hinahalikan ang anak sa noo.

"chicken pox raw sumabay sa pagtubo ng ngipin nya kaya nilalagnat rin" paliwanag ni Olga.

"san si Rosie?" bulong nya.

"on duty. One week na kasi syang nakaleave" sagot ng kapatid nya.

"Tsk!" napailing sya.

Nagiising si Adam at napaiyak nang makita ang ama nito.

"shh! Shhh!" niyakap nito si Adam. "dada is here" bulong nya.

"your here!" bungad ni Rosie sa asawa ngumiti ito at

Napatitig lang si Miller sa kanya habang yakap ang anak. "sorry beh" namumula na ang mga nito at halos naiiyak narin.

Ganito talaga si Miller, iyakin. Bunso kasi. Bunso ng pamilya nila at ng barkada. Bagay talaga sila ni Rosie, mature at immature.

Ayoko kong makita syang mahina, napangiti ako at sumenyas kay Olga na lalabas na. Tumango sya at kumaway.

Nasa hallway na ako nang maisip kong tawagan si Irah pero bago pa ako nakadial. Nabasa ko na ahead ang message nya.

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon