CHAPTER 19
{Irah POV}
Tulog na tulog sya habang nakayakap sa akin. Pagdating sa ganitong hiling nya, kusa talaga ang katawan ko bumibigay sa kanya.
Tahimik syang natulog habang ako naman pinagmamasdan ang maamo at gwapo nyang mukha. Parang kelan lang, napapanood ko lang sya sa TV, nakikita ang mga billboards nya at natatanaw sa malayo.
Kung iisipin napaka imposible ang kinaroroonan namin ngayon.
Flashback:
Kilala syang sikat dahil sa mga mamahalin nyang brands at mga commercial sa TV. Nagkakalat ang mga big time endorsement nya sa buong City. Kilalang matalino at mayaman. Isang ngiti nya lang sa babae, bibigay na ang mga ito.
"ang gwapo ni Kovda noh? Maswerte ang mapapangasawa nyan" si Mae.
Nasa canteen kami, nagcross enroll ako sa management dahil underload ako, nasasayangan ako sa oras ko.
"hindi naman masyado" tipid akong ngumiti, inangat ko ang tingin ko sa kanilang magkakaibigan. Nasa isang table sila kasama si Mika na kinukulit nila ni Smith.
"astig noh?" sabi nya, "nakakahiya kapag maging girlfriend ka na hindi ka maganda, lahat sila pinagpala ang mga mukha" umiling sya.
Sa bagay, si Mika nga baguhan lang pero head turner na agad. Napachix kasing babae. Hindi man pang beauty queen ang aura pero ang charisma at angas ng pagkachinita nya kakaiba. Bagay na bagay sila ni Fred. Kapag magkasama sila, parang nakakainsecure isipin na unfair ang pagbalanse ng mundo. Maganda at Gwapo.
"alam mo bang since birth pinagpares na sina Han at Mika" napalingon ako kay Mae.
Nangunoot ang noo ko sa sinabi nya.
"Sabi ni Gail, maliit palang sila may gusto na talaga si Seigfred Han kay Mika" napailing ako. Chismosa!
Nagpatuloy ako sa pagsusulat, pagkaangat ko ng mga mata ko napansin ko titig na titig si Alex kay Mika. May kakaiba sa mga titig nya para rito.
Napayuko ako at napailing. "your too far compare to her" bulong ko sa isipan ko.
A week later, ginabi kami sa kakameeting para sa concert event na gagawin namin. Sa isang major na ito kaklase ko ang ilang HRM majors.
"sabay nalang kayo sa akin, susunduin ako" sabi ni Mika sa amin ni Mae.
"huwag na, nakakahiya naman sayo Mik" - ako
"gabi na Irah, delikado na dyan sa labas" sabi nya.
Hindi nagtagal, pumarada sa harapan namin ang isang mamahaling SUV. Bumaba ang bintana at niluwa nito ang mukha ni Kovda.
"sa likuran nalang ako Moo" sabi ni Mika sabay bukas ng pintuan sa second seat.
"Moo, mga kaklase ko. Si mae at Irah" pakilala nya. Ngumiti si Han sa amin, nilingon rin kami ni Kovda, nagtama ang mag mata namin pero hindi nagtagal.
"saan sila bababa Moo?" tanong ni Han.
"si Mae sa bus stop, si Irah sa 2nd dorm street" sagot nya.
"sa bus stop nalang din ako Mik, sasakay nalang ako ng jeep papasok" - ako. Nakakahiya naman kasing nakisakay kalang magpapahatid ka talaga. Hindi pa naman ako close sa mga ito.
"No Aye, okay lang madadaanan din naman yung dorm mo paexit" sabi nya. Mabait naman talaga si Mika no question on her kindness. Kilala sya bilang mabait at hindi isnabera sa campus.
Lumingon ulit si Kovda at nagtama ulit ang mga mata namin, ngumiti sya pero yumuko lang ako.
Pagkababa ko, nakaramdam ako ng hiya lalo na't binaba pa ni Han ang bintana sa tabi ni Kovda at nagtaas pa ito ng kamay bilang paalam sa akin. Ngumiti ako sa kanya, pero bago ako tumalikod. Ngumiti rin si Kovda sa akin na kinatayo ng mga balahibo ko.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...