WAKAS

45.9K 756 62
                                    

WAKAS

{Alex POV}

Its been 8 years since ng nagkaroon ako ng second chance sa kanya. Its been 7 years nang magkaroon kami ng anak and its been 6 years ago nong pinakasalan ko sya. Parang kelan lang, ito pamilya na kami ang mas masaya pa madadagdagan pa kami ng isa, this time lalaki na ang magiging anak namin.

"Mommy!" kumaway si Xandy sya habang nakaupo sa taas ng surfing board nya. Tinuturuan ko syang magsurf. I want her to grow up skillful and talented.

Kumaway si Aye sa kanya. Nakatayo ito sa dalampasigan at nililipad ng hangin ang mahaba nyang buhok at maxi dress.

"Go XP, show Mommy what you've got" - ako.

Ngumiti sya at tumango sabay dapa sa board nya. Lumangoy sya at inantay ang malaking alon hanggang sa tumayo sya at sumabay sa alon. Pumalakpak ako sa galing nya. Mula sa tindig at posisyon ng paa at katawan nya nasa tama ito.

Sabay kaming umahon. Kinuha ko sa kanya ang board nya at inabot naman ng yaya nya ang towel nya.

"Ang galing mo na ate, mabuti kapa you know how to surf unlike me" ngumuso si Irah na kinatawa ni Xandy" tinutulungan nyang magpunas ito.

"Ang tamad mo kasing matuto ga" bulong ko sa likuran nya. Napangiti ako kasi umirap lang sya.

Hinarap nya ako at tinulungan ako sa pagbukas ng zipper ng suit ko. "Okay na ako bilang audience, no need to try   ga" sabi nya.

Sa tinayong umbrella ni Allan kami nagmeryenda. Nagtabi kami ni Xandy sa isang sun lounger habang si misis mag-isa lang na nakahiga sa kabila.

"Lately hindi na masyadong malikot tong baby, kinakabahan na ako" nakanguso nyang sabi.

"Ayan kana naman, malay mo tinatamad lang yan gumalaw" here comes the worry queen. Lahat ng detalye sinasabi nya, okay naman yun pero ang problema kasi sya ang mas apektado.

"Dad what did mom said?" Nakangusong tanong ng anak ko. Umiling ako at hinalikan sya sa noo. "She envy your surfing skill" napangiti ang anak ko sa narinig nya. Since mas close sya sa akin, kami ang kampi laban sa reyna.

"Ano na naman yan?" umirap si Irah at sinuot ang glasses nya. "Huwag ako ha!" Saway nya sa amin.

Napatawa kami pareho ni Xandy.

Seven na sya at nasa grade school na rin. Nag-aaral sya sa parehong school nina Adam at Xian, si Sitti at Pau parehong nasa girls schools. Ayokong lumaki ang anak ko na hindi nakakita ng lalaki, dalawa lang kasi ang patutunguhan nya baka maging tibo o maging madre.

"Give this to Adam and Xian" inabot ni Aye ang ginawa nyang club house sandwich na gustong-gusto ng dalawa.

Hindi sila magkaklase, junior nina Adam at Xian si Xandy. Pero during break bantay sarado ang anak ko sa dalawa, kampante ako na hindi mabubully si Xandy dahil sa angas ng bantay nya. Okay lang din kung kanino sya mapupunta.

Araw-araw hinahatid ko sya sa school at sinusundo, minsan si Allan ang sumusundo o si Kuya kapag may trabaho ako. Hindi ko hinahayaan si Irah magdrive, minsan kasi nawawala sya sa sarili nya kapag nararamdaman ang paggalaw ng baby namin. Dahil na rin siguro sa trauma na pinagdaanan nya kay Xandy.

"Behave and study well" hinatid ko sya hanggang gate ng building nila.

"Bye dad, see you later" humalik sya sa akin sa pisngi tulad ng nakasanayan nya at hinila mag-isa ang trolly nya. Hindi ko naiwasan pigilan ang ngiti ko habang  pinagmamasdan ko syang naglalakad palayo sa akin. She's my princess my only princess.

Dahil bawal ang yaya sa school nila, sanay na si Xandy mag-isa sa school. Safe at maganda ang school, international academy din at marami syang mga foreigners na kaklase.

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon