Part 18

29K 579 20
                                    

Sa lahat ng sumusubaybay... maraming salamat po!

CHAPTER 18

{Alex POV}

Pinagmamasdan ko syang masayang nakikipagtawanan kay Nona. Minsan ko lang sya makitang ganito ka saya, minsan kapag magkakasama sila nina Camilla, Jana, Rosie at Mika. Lagi kasi itong nakabusangot kapag kami nalang dalawa ang naiiwan.

Hindi ko naman talaga sinasadya ang anngyari noon. Akala ko kasi sakay sya sa lahat ng trip ko sa buhay, yun pala isip bata din katulad ng iba.

"inlabibo na oh?" napalingon ako kay Kuya. Mabilis akong napailing at napangiti sa kanya.

"syempre asawa ko gud nah!" (syempre asawa ko kaya yan) sagot ko kay Kuya sabay lagok ng beer.

"che! Ikaw?" sagot nya sabay siko sa akin.

"so ano pala ang ibig mong sabihin?" nagtaas ako ng kilay sa kanya.

"wala naman, nagulat lang ako na nagpakasal ka without inviting anyone!" nagtaas sya ng kilay sa akin.

"para tipid!" mabilis kong sagot.

"chikahe ko dong!" si Tish.

"estoryahe! Utot mo Lexo! Ikaw nagtitipid? Sa lahat ng bagay kasal pa talaga ang tinipid mo?" si Bemi.

"bahala kayo kung ayaw nyo maniwala!" kumuha ako ng pulutan naming chicharon sa gitna.

"kasi hindi naman talaga kapani-paniwala tsong" si Roli.

Natawaa ako at napailing. Sabagay hindi naman kasi talaga totoo ang lahat!

"si Klitz dream wedding, si Shinboi solemn wedding/secret wedding, si Millboi formal wedding, syempre ako hindi rin magpapalugi. Unique wedding, niyaya ko sya tapos pagka-oo nya, kasala agad para wala nang panahon umatras" natatawa kong sabi.

"fuck!"natatawang sigaw ni Kuya. "kapal mo bro ha? Si Irah yan, hindi yan oto-oto!" saway nito.

"eh bakit nandito kung hindi to totoo?" nagtaas ako ng kilay sa kanya, gago lang pag may time?

"sige nga? Anong nagustuhan mo kay Irah?" hamon ni Tish. Sa lahat ng pinsan ko sya ang maldita sa amin. Hindi yan basta-basta magbibigay ng tiwala sa tao hanggang walang nabuong samahan. Prinsipyong pang sabon- PRIDE!

"look at her, MMM diba?" nilahad ko ang kamay ko sa direksyon nina Irah at Nona sa bandang dulo ng pool.

"Mabagsik, Matapang, Malupit?" natatawang sabi ni Roli.

"Aguy!" (aray!) si Chris.

Natawa ako, kasi oo yun ang totoo. "fuhh!"

"so anong MMM pala ang nakita mo?" napatitig si Kuya sa akin na para bang may kung anong kapilyuhan sa isipan nya.

"masarap?" si Chris.

"of course!" mayabang kong sagot!

"marupok?" si Chris.

"a sort of!" sabay kindat ko.

"Maingay sa ahemm?" si Roli.

"wala namang natatahimik sa akin so far!" natatawa kong sabi.

"ang landi mo Lex ha?" inis akong tinapunan ni Bemi ng chicharon.

Natawa ako, sinilip ko sya sa kalayuan at napangiti ako. "Maganda, Mabait, Masipag sa Trabaho, Matalino, Matapang, Makulit, Mapasensya, Masayahin, Malambing!" napailing ako. Nagkibit balikat, "duno! Unang kita ko sa kanya noon sa school nakakaamaze sya, di ko sya mapalingon kahit anong parinig kong gawin" napailing ako at nilagok ang hawak kong beer.

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon