Wakas nalang po ang kulang. Thank u po and sorry sa late ud's.
LAST CHAPTER 101.2
{Irah POV}
Nasa hacienda kami, kasama ang buong pamilya ko at pamilya ni Lexo. Ikakasal kami bukas, busy ang lahat sa pamamasyal lalo na't natapos nrin sa wakas ni Papi ang pangarap nyang recreational jungle. Gusto nyang iconvert ang hacienda sa recreational jungle camp katulad ng pinagtrabahuhan nya dati sa states at laging pinapasyalan sa Japan.
Isang bahagi ng hancienda na convert nang subdivision ng apat na pinangungunahan ni Klitz. Kaya kahit patago, dinadayo parin lalo na't mura at maganda ang view. May zipline, commandos activities, Wall climbing, hiking and bridge trail, trampolines, water activities kasi naglagay din si papi ng pools at mini lake. Swak na swak ang venue ng kasal namin para sa mga bisitang imbitado na mahilig sa outdoor activities.
Halos lahat nagsasaya at nag-eenjoy habang ako nandito lang sa kwarto at kasama si Xandy na may lagnat. Lagnat laki, tubo ng ngipin at lagnat dahil sa klima. 10 months old na sya. Tatayo na at mabilis nang gumapang. Pagnalingat ka ng kaunti siguradong bukol at galos na naman ang premyo.
Minsan nga, nalingat si Tesa dahil kumuha ito ng bib sa cabinet pagbalik nya may bukol na dahil nadulas ito nang sinubukan nyang tumayo. Kung walang cctv sa nursery room baka napagkamalhan ko nang binugbog sya ni Tesa. Pero hindi parin sya nakaligtas sa mahabang sermon ng lahat, mula sa magulang at magulang ng mga magulang. Minsan naaawa na ako sa kanya, pero palaban na bata. Hindi parin sumusuko at ni minsan hindi nya pinabayaan ang anak ko. Wala na nga rin raw syang planong mag-asawa kasi mas mahal nya na si Xandy kesa sa boyfriend nya.
Tumunog ang phone ko at nagmadali akong sagutin ito para hindi magising si Xandy. Sa terasa ako tumayo habang tinatanaw sya sa salaming nakapagitan sa aming dalawa.
"Ga" bulongko.
[Hello ga, kamusta na kayo dyan? Gising na ba si Xandy?] maingay ang paligid nya sa hiyawan.
"Hindi pa, pag magising sya tatawagan kita para makuha mo sya. Make sure Lexo huwag mong hahayaang mapagod si Xandy, yung ngipin nya tumutubo" paalala ko, may usapan kasi kaming sa altar na bukas magkikita para may excitement sa wedding namin. Ikalawang araw na namin tong magkahiwalay.
[Relax, pupunta si Mommy dyan mamaya para sunduin sya. Tapos mamayang gabi ako naman ang pupunta dyan para humingi ng advance para sa honeymoon]
"- - - -" natahimik ako. Naningkit ang mga mata ko sa narinig ko. Binaba ko ang phone kesa uminit ang ulo ko at magbago pa ang desisyon ko para bukas.
Bumalik ako sa loob ng kwarto at pinasilent mode ang phone ko. Nagising si Xandy at umupo sa harapan ako. Pagod syang ngumiti sa akin at nahiga ulit. Wala parin syang gana.
Ngumiti ako at humiga rin sa harapan nya. Hinaplos nya ang pisngi ko at nilagay ang kamay nya sa bunganga nya. Ngumiti ako at hinayaan syang magthumbsuck kahit lagi ko syang pinagbabawalan.
"Dadi?" tanong nya.
"Wait baby, ill call your dad" ngumiti ako at vinidiocall si Lexo para makita nyang gising na ang anak namin.
Nilagay ko sa harapan ng anak ko ang phone para hindi nya ako makita. Maingay ang paligid at halatang kasama nya ang mga kaibigan nya.
[Hi baby] masaya nyang bati.
Kumaway lang si Xandy at nagthumsuck ulit.
[Where is mommy?]
Nagpakita ako ng kamay pero hindi ng mukha ko. Natawa sya.
[Ill fetch you now baby para makabeauty rest na si Mommy]
Kumaway ulit si Xandy sa kanya.
Nilaro ko si Xandy hanggang dumating si Tesa.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...