Part 49

23K 514 84
                                    

gaya ng sabi ko... babawi ako... sana mahabol ko rin matapos ang next chap till early morn... hi everyone!

CHAPTER 49

{Irah POV}

Nagising akong mag-isa sa kama, pakiramdam ko bogbog ang buong katawan ko sa pagod.

Bumangon ako ang hinanap sya sa paligid. Wala ni isang anino ng mukhang gusto kong makita. Napanguso ako at nakaramdam ng inis.

"Kovda!" sigaw ko.

Naghintay ako ng sagot pero wala. Inulit ko ng ilang besis pero wala parin.

"Kovda!" naningkit ang mga mata ko sa inis. ilang besis akong napabuntong hininga bago ako tuluyang bumangon at nakangusong naglakad papuntang banyo, pero bago paman ako makarating napahinto ako nang makita ang napkin na binili nya kaninang umaga.

Napangiti ako nang may biglang pumasok sa isip ko. Kinuha ko ang phone ko at kinunan ito ng litrato. 'sweet hubby bought me this last night for no reason, such a sweet babe.... @AlexKovdeR' at pinost ko sa IG.

Nawala ang inis ko at sa ginawa ko at ginapangan ako ng excitement sa magiging reaksyon nya. Inayos ko ang sarili ko at nakangiting pumasok ng banyo.

Pero napahinto ako nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng phone ko. Feeds! Mabilis kong binalikan ang phone at excited na binasa ang komentong bumaha.

'fuck bro @ALexKovdER nagawa ko na rin yan dati... Okay lang yan. It wont lessen our face impact!" si Klitz

'gwapitos parin tayo kahit may hawak tayong sanitary pads...lol! ayt??? @MillerBoi @ALexKovdER @ShinBoi' another post nya. 

''____'' komento ni Camilla.

Natawa ako, yabang ng dating Klitz ha?

'Joke ba to?' si Miller.

'saan ang biro jan @MillerBoi... ???' si Rosie

'TSK!' si Miller

'hahahahah.... Mas natawa ako sa comment ni @KlitzniCam, #windymorning everyone!

'#windymorning too @MOohMika' si Camz

'ang lakas ng hangin dito sa amin!' dagdag na post ni Cam na gumuhit ng ngiti sa labi ko.

Napailing ako at natawa. Nakakaloka ang dating ng komento ni Klitz. Napalingon ako nang bumukas ang pintuan at pumasok sya na may dalang starbucks na coffee.

Hinarap ko sya at ngumiti ako. "nakita mo ba yung post ko?"

Tumango sya at  tipid na ngumiti. "yeah!" sabay upo. Parang walang nangyari? "sorry?" napakagat labi ako.

"its okay, diniliver lang naman yan kagabi ng staff after kong magrequest for emergency ng napkin" kumindat sya.

Nalaglag ang panga ko, ako pa ata napahiya ah.

Napapikit ako at mabilis na binura ang post kong yun. Nakakahiya. Masyado akong assuming! Yikez!

Binaba ko ang phone ko at mabilis na pumasok sa banyo. Kahit wala sana sa plano ko ang maligo, hindi ko na pigilan ang magshower. Pakiramdam ko bumalik na naman sa dati. Ako na naman itong nag-assume. Napaka feeler ko sa ginawa kong yun, sa pagpost kong yun.

Naglakas loob akong lumabas after ng iisang dekadang pagkukulong ko sa banyo. Naabutan ko syang may kausap sa phone nya sa terasa kaya hindi na ako nag-atubiling magbihis agad. Its okay, uuwi sya ngayon, dalawang linggo kaming hindi magkikita at least kung napahiya man ako ngayon sa kanya may panahon naman akong makapag-ipon ng lakas ng loob para harapin sya sa pag-uwi ko.

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon