CHAPTER 27
{Irah POV}
Maaga akong nagising at pinilit ang sarili kong ibangon ito mula sa paninibago. Parang halos isang buwan din kaming magkadikit ni Lexo, super close at ginampanan ang responsibilidad namin sa mata ng NSO.
Kahit napapatigil ako kapag may nakikita akong mga bagay na sa kanya. Tanga lang.... Bahay nya to talagang marami syang gamit dito.
Pumasok ako sa banyo at amoy ng sabon at pabango nya agad ang bumungad sa akin. "Langga ko!" sigaw ko.
Napaupo ako sa inudoro at napaisip, may bigla kasing pumasok sa isipan ko.
Flashback:
"you can use my stuff there if you want" sabi nya habang nagmamadali syang magbihis.
Napanganga akong tumango at pumasok na sa loob ng banyo nya. "may mga gamit syang pangbabae, shampoo at bath wash. Napanguso ako at nagsimula nang maligo.
Kahit puno ng pagtataka ang isipan ko kung sino ang may ari ng mga gamit na ito, binilisan ko parin ang pagligo.
Napaaray ako nang hindi sinasadyang mapadapo ang kamay ko sa baba ko. Mahapdi at sariwa parin ang sugat. Hindi man ito ang unang besis naming magsex pero parang naulit yung sakit na naranasan ko noong nakaraang buwan. Ganito rin ka hapdi yun nong naligo ako kinabukasan.
"matagal ka pa ba Aye?" tanong nya matapos kumatok ng dalawang besis.
"malapit na" tipid kong sagot.
Mas binilisan ko ang pagligo ko, ininda ko ang kirot sa baba ko para lang mas mapabilis ang pagligo ko.
Kahit sa pagbihis para akong hinahabol. Pinagsabay ko ang pagsusuklay at pag-ayos ng damit ko.
"okay na ako" sabi ko pagkalabas ko ng kwarto nya.
Mabilis syang tumayo buhat sa pagkakaupo nya sa sofa at hinablot ang susi nya.
Nagtaas sya ng isang daku ng kilay nya bago ngumiti habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.
"bakit?" nag-aalala kong tanong. Baka kasi may toothpaste pa ako sa labi o kaya naman may muta pa sa mata.
Umiling sya at tipid na ngumiti.
Magkasama kaming lumabas sa unit nya, pumasok sa elevator pero hindi magkasamang lumabas.
"mauna kana, magtaxi ka nalang may importante kasi akong lakad at nagmamadali ako" at pinindot ang ground floor button. "bawi nalang ako sayo next time" sabi nya sabay lambing na tulak sa akin palabas ng elevator.
Nagtaka ako at napatingin sa kanya pero hindi ko na nasilayan ang mukha nya dahil mabilis na nagsara ang elevator.
Dismayado man ako, umuwi nalang ako at sa condo nagpatuloy magpahinga.
Lumipas ang ilang linggo. Walang text, tawag o kahit paramdam manlang sa facebook. Lagi akong nakaabang sa mga post nya sa FB at Instagram. Maraming besis akong sumubok maglike at pumuso pero nanaig parin ang hiya sa akin.
Noong nakaraang linggo nasa London sya, nasa Italy noong huling post nya noong nakaraang araw.
Hindi ko alam kong anong meron kami, basta ang alam ko sa tuwing dadalhin nya ako condo nya may nangyayari lagi sa amin.
"tapos kana?" si Camilla.
Nagulat ako nang bigla nya akong hinawakan sa balikat.
"ha?" - ako
"wala ka na naman sa sarili mo? Naku dapa ko na talagang ilayo sayo si Dutch baka mahawaan mo sa pagiging estatwa mo minsan" nakangiti nyang sabi. Nasa cafe kami at gumagawa ng draft para sa advertisement na gagawin ng WRB.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...