kung may mga mali... sorry na ahead. hehehehe... good night!
CHAPTER 60
{Irah POV}
Halos araw-araw nasa bahay sila. Inaayos nila ang nursery room. Paminsan-minsan tumutulong ako pero mas madalas nasa kwarto lang. Hindi ko kasi kayang makipaglaban sa mga titig ni Lexo sa akin, lalo na kung nakikipagtawanan ako kina Irah and Camilla.
Halos apat na araw na kaming hindi nag-uusap. Simula nong huling pag-uusap namin hindi nayon nasundan at hindi narin sya natutulog sa kwarto, sa kama, madalas sa sofa, sa terrasa o nasa salas at nagpupuyat sa kakanood ng TV, nasa music room nya naggigitara, nagdadrums at kung ano-ano ang ginagawa nya para lang makaiwas sa akin.
Sinubukan ko syang kausapin pero puro oo-hindi lang ang nakukuha kong sagot.
Nag-iisip ako ngayon ng paraan paano kami magkausap ng matino. i miss him. I miss us.
Tumayo ako mula sa kama at binuksan ang pinto, sinilip ko kung saan sya ngayon. Napanguso ako nang makita syang nasa dining table at may ginagawa sa harap ng laptop nya.
Humugot ako ng lakas ng loob bago ako tumayo mula sa kinauupuan ko pero kasabay din nito ang pagtunog ng phone ko.
Chen Calling ~~~
Napangiti ako nang makita ang pangalan nya, bukas na sya babalik sa Japan. Knowing nakabawi na ako ngayon sa lahat ng kabaitan nya sa akin noon, masaya na ako.
"hi Chen" masigla kong bati.
[still up?]
"yup! Are you done?" tinutukoy ko ang pag-iimpake nya. Naparami kasi ang mga dala nyang pasalubong naging problema nya na tuloy paano mapagkasya ang mga yun sa maleta nya.
Binuksan ko ang terasa at doon mas piniling kausapin sya. Naantig ako sa mga bituin sa langit.
[are you sure its okay to Alex that you'll drive me to the airport tomorrow?]
"of course!" napangiti ako, magpapaalam na sya, walang masama kung ihahatid ko sya. Friendly treat.
[are you outside?] napangiti ako. Malakas kasi ang hangin kaya naririnig nya siguro ang ihip nito.
"yup, enjoying the cold!" napatawa ako.
[careful, your bearing his child Aye] napakagat ako ng ibabang labi ko. Yup. Our child.
Bakit ba ang bait nya? Ever since naging mabait lang sya sa akin.
[okay! See you tommorow?]
"yup, see you tomrrow!" sagot ko.
[you sleep now, bad for the baby to stay late]
"okay, thank you" napangiti ako.
[good night]
"good night Chen, see you tomorrow!"
Binaba ko agad ang tawag dahil nakaramdam na ako ng lamig, pag-ikot ko naabutan ko syang nakatayo sa likuran ko at ... "Lex"
Ginapangan ako bigla ng takot nang makita ang mga kamao nyang naninigas. Matalim ang titig nya sa akin.
"Lex" sinubukan kong humakbang pero umatras sya.
"Ga its not what you think" kabado kong sabi pero mas lalo lang humigpit ang mga panga nya.
Desperado syang napahilamos ng mga kamay nya. "FUCK!" mahina pero may diin sa pagbitaw nya nito. Mabilis syang tumalikod at lumabas.
"Lex" sinundan ko sya pero halos nakailang hakbang lang nya ang pagbaba nya sa hagdan. Mas binilisan ko ang pagtakbo para maabutan sya.
"Lex listen to me" napahawak ako sa braso nya pero mabilis nya itong hinawi mula sa akin.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...