Part 61

21.7K 460 54
                                    

bawi lang ako soon... pasensya na talaga... daming trabaho. thank you po.

CHAPTER 60

{Alex POV}

Lumabas ako ng bahay na hindi alam kung ano ang gagawin, mas mabuti nang makalayo ako at makadistansya kumpara mas masaktan ko sya. Baka makagawa pa ako ng kung anong disisyong pagsisisihan ko lang balang araw.

Tinabi ko ang kotse sa cliff, hindi ito kalayuan sa bahay ko at ito ang tambayan ko kapag gusto kong magpalamig ng ulo o magpalipas ng oras.

Pinagmasdan ko ang mga bituing kumikinang sa kalangitan at iniilawan ang tahimik na karagatan.

"same old shit situation. Tangina! Bakit ba ang hilig kong magpauto sa mga babae!" pakiramdam ko may kausap ako, pakiramdam ko may nakikinig sa akin. Kung sana umaga ngayon, baka pwede ko pang hilahin si Miller at patawanin ako, asarin at galitin. Tapos pupunta ako kay Shin at makipagsparring pampagaan lang ng galit. Tapos pupuntahan ko si Klitz sa opisina nya, magkukwento ako kasi sa bawat tanong nya madali ko lang napapakalma ang sarili ko. Yun bang parang naghahanap ka ng sagot sa tanong mo tapos ikaw lang din ang nakasagot.

Napailing ako habang iniisip na alas dyes na, pamilyado na ang lahat at hindi na gaya ng dati na hindi pwedeng hindi ka babangon kapag nangangailangan ang isa sa amin. May mga anak nang kahati sa oras at asawang may titulo ng bawat oras namin. Bakit ba sa lahat ng minalas ako pa? Mas gago naman si Miller kumpara sa akin, bakit ako?

Hindi ko mapigilan ang mga luha kong makatakas sa mga mata ko nang maisip kung gaano ko hinatak ang sarili ko makabangon lang sa sakit na naramdaman ko nang sekretong nagpakasal si Mika at Shin. Nang pinagpalit ako ni Ivona kesa sa trabaho, at ngayon ito na naman, makikipaghiwalay sa akin ang asawa ko sa kadahilanang wala akong alam kung bakit?

Tangina!

Napamura ako nang sumagi bigla sa isipan ko ang magpakamatay, nakakaantig ang cliff ang sarap tumalon para isang bagsak lang, isang tulak ko lang sa sarili ko mawawala na ang lahat ng to. Pero sa kabilang dako ng isipan ko pinigilan ko rin ang sarili ko sa kadahilanang kunting oras nalang magkikita na kami ng anak ko. Baka sya pa ang maging paraan para maging okay kami ni Irah.

Napalingon ako nang makita ang phone kong may missed calls. Galing lahat kay Miller. Imbes na tawagan sya, inoff ko ito para hindi nila ako matrack. I don't want to share them my burden, kung nakaya nilang lampasan ang lahat ng pagsubok sa buhay nila kakayanin ko rin.

Sa mga bituin ko nalang ibibigay ang lahat ng ito, mas mabuti pang sa kanila ako magkaroon ng utang na loob kesa sa mang-estorbo ako ng tao.

"Open this!" nagulata ko sa presensya ni Shin na biglang lumitaw sa harapan ko at tinuro ang kotse ko.

Napalingon ako nang marinig ang katok sa likuran ko. Si Klitz at may hawak na case ng Fuhh! Beer?

"open!" si Shin. Nasa tabi ko na sya ngayon at tanging salamin ng bintana nalang ang pagitan namin.

Binaba ko ang bintana. "what are you doing here?" kunot noo ko syang tinanong.

"bawal bang makitambay dito?" sarkastiko nya akong sinagot at tinaasan ng kilay. Kung minsan napapaisip ako kung ano ang nagustuhan ni Mika sa kanya?

"get out!" utos nya.

"and why would I?" sagot ko. Hindi ako sanay na ako ang bida, not like this. Ayokong kaawaan.

Pinagmasdan nya ako at humakbang sya paatras ng ilang besis bago ako sinagot "because I said so!"

"hoy Lexo huwag ka ngang pussy-pussy-kipot dyan!" si Miller bit-bit nya ang mga 'what the fuhh!' take out na pagkaing pares sa beer. Yeah-yeah mag-iinuman ba ang mga ito?

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon