CHAPTER 39
{Irah POV}
Nasa salas ako at walang magawa ngayong weekend. Kanina pa ako nakadapa at hindi alam ang gagawin ko. Naiinis ako na hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Ako:
Rose punta ako sayo. Ano gawa mo?
Paulit-ulit kong pinapatayo ang phone ko kahit hindi nito kaya at pinagmamasdan itong mahulog sa sahig na di carpet.
ROSIE:
Bebang... Nandito lang bahay. Bantay ni Adam today may training kasi si Miller. Punta ka dito para may makausap naman ako kahit papano.
Mabilis akong tumayo at naligo.
Excited akong makita si Adam. Namimiss ko ang mga tawa nya at kakulitan lalo na kung kasama nya si Miller.
Dumaan ako ng drive thru para itakeout sya ng Peach mango nyang paborito. Pagkarating ko sa bahay nila. Dinig na dinig ko ang tawa nya. Umaalingawngaw ang boses nilang mag-ama.
"good morning!" bati ko.
"Aye!" bati ni Miller. "say hi to Ninang Irah!" binuhat nya si Adam para makahalik sa akin. "pasensya na Ninang bagong dede lang kami"
Hinalikan ko sya sa pisngi nya na kinanguso nya. Ayaw na ayaw nya yung hinahalikan sya. I wonder siguro paglaki nya, kawawa ang babaeng magiging girlfriend dahil siguradong titipirin nya sa halik yun.
Naabutan ko silang nagpapractice maglakad. Six months palang sya ngayon pero ang laki nya nang bata. Tawa lang ng tawa ang ginagawa nya. Lalo na't kalog ang kasama nya.
"si Rose?" nilapag ko ang pasalubong ko sa kay Adam sa harapan nila.
"nasa taas pa Aye" sagot nya habang pinapakita sa anak ang mga nakabalot na peach mango Sundae.
Umupo ako sa harapan nilang mag-ama at pinagmasdan si Miller na sinusubuan si Adam habang nakaupo ito sa binti nya.
Sumulpot si Rosie na may dalang damit at diaper ni Adam. "kanina ka pa?" tanong nya na mabilis ko ring kinailing.
"bago lang din" sagot ko.
"may lakad kayo?" si Miller.
"oo, ikaw na muna magbantay dyan" kumindat si Rosie sa akin. Inabot nya kay Miller ang damit at diaper ni Adam.
"huh?" napakunot ang noo nya kay Rosie pagkatanggap ng inaabot nito. "may training ako beh!"
"ako o training?" nakataas ang isang kilay ni Rosie sa kanya.
"ikaw!" mabilis na sagot ni Miller.
"dapat lang!" napangiti si Rosie at nilingon ako at nginitian. Loka-loka... May naiisip na namang tripping ang babaeng to.
"bihis lang ako Aye ha?" mapanukso nyang sabi at tumalikod.
Di pa man sya nakalayo, may tinanong na agad si Miller sa akin.
"san pala punta nyo?" pabulong nyang tanong.
Ngumiti lang ako bilang sagot.
"sa mga kaibigan naming japanese, bakit?" nilingon sya ni Rosie na may inis sa mukha.
Napataas ng kilay si Miller at napailing. "come on Adam" tumayo sya at binuhat nito ang anak. "well change son, well go with them" sabi nya na ngpatigil sa amin ni Rosie.
"san kayo?" tanong niya sa asawa.
"sasama kami sayo, bakit?" nakataas ang kilay na na para bang hinahamon si Rosie.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...