kung may mali, ayusin ko lang soon. sorry ahead... thanks.... :)
CHAPTER 55
{Irah POV}
Dalawang buwan nalang, hinahaplos ko ang tiyan ko dahil sa laki nito, matulis na at bumibigat narin.Pero mas napapangiti ako habang pinagmamasdan si Lexo na nakahiga sa tabi ko at pagod na natutulog. Napagod sya kagabi sa kakabantay sa amin, galaw ng galaw ang baby, sipa dito sipa doon. Nanakit ang mga kalamnan ko sa pagkamalikot nito.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama. Sinikap kong hindi magising si Lexo para makapagpahinga sya ng mabuti.
Dumiretso ako sa kusina at naabutan si Allan na nagkakape. Umupo ako sa sofa at napapikit nang maramdamang gumalaw na naman ang nasa loob ng tiyan ko. Sa bawat galaw nya parang hinuhukay ang loob ng tiyan ko.
"ate okay ka lang?" si Allan.
Tumango ako kahit hindi ko sya nakikita.
"sure ka ate? Maputla ka kasi." dagdag nya.
Napanguso ako at umiling sa kanya. Hindi ko napigilan na napaluha sa sakit. Hindi ko alam pero parang naghahalong takot, kaba at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Kagabi pa ito at halos wala kaming tulog ni Lexo. Natatakot ako for my baby, kinakabahan ako kasi baka kung ano na ang nangyayari sa kanya sa loob at masakit dahil sa mga galaw nyang hindi mapanatag.
"gusto mo bang gisingin ko nalang si Kuya?" nag-aalalang tanong nya.
Umiling ako pero hindi pa nakatatlo ay napaaray na naman ako. Hindi na ako hinintay ni Allan, mabilis syang umakyat.
Dinig na dinig ang mabilis at mabibigat nyang lagapak sa hagdan. Naghintay ako ng kaunti para sa pagbaba nila.
"nasa hospital kana? Better" boses ni Lexo.
Nilingon ko sya at napailing nang makitang pinagsasabay nya ang kausap sa phone at pagsuot ng damit nya.
"kuya" si Allan, inabot nya ang susi at mabilis na lumabas.
"thank you Rose, see you there" pagkababa nya ng phone, pinatayo nya agad ako at sinuotan ng cardigan ko. Buti nalang at nakamaxidress na ako kagabi pa.
Tahimik akong nagpatiayon sa kanya.
Mabilis syang nagmaneho papauntang IU kung saan nakaduty si Rosie para macheck ako.
Pagdating namin sa hospital, nakaabang na si Rosie na nakangiti. Hindi na ako su akay ng wheelchair dahil ayoko magmukhang baldado.
Dumiretso kami sa clinic nya para maultrasound ako.
"as in? Kagabi pa masakit ang tiyan mo?" tanong nya agad pagkahiga ko.
"oo, hindi ko nga alam galaw sya ng galaw" paliwanag ko.
Nang sinimulan nya nang ipatong ang transducer probe sa tiyan ko napangiti agad sya. "okay nagchange ng position si baby" sabi nya.
Nangunot ang noo ni Lexo sa nakikita nya sa screen.
"nasa incomplete breech position si baby kaya sobrang likot, usually ito ang ayaw na position ng mga baby kasi madali silang mainip" napanguso ako sa sinabi ni Rosie.
"so ano ang gagawin natin?" - ako
"lets do a little massage para makapagchange position sya" sabi nya at sinimulan ang pag massage sa akin. Ramdam ko ang paggalaw sa loob ng tiyan ko.
"see? Pati sa position mana sayo ang baby natin" sabi ni Lexo.
Napatawa si Rosie sa narinig nya.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...