Pahabol po. pasensya... bumabawi lang sa ilang buwang absent ako... heheheh...
CHAPTER 59
{Alex POV}
Lihim ko syang sinundan gamit ang location information nya. Tama nga ang hinala ko, si Chen nga ang kikitain nya.
Malapad ang ngiti nya at masaya nya pang niyakap ang bwesit na instik.
Hindi ko na pinarusahan ang sarili kong titigan sila. Gago ako pero hindi ako pathetic. Wala din naman silang magagawa kong hindi ako pipirma.
"im the fuck'n fathah as*hole!" sabay hampas ko manobela.
Imbes na magluksa, I went to my condo. Mas gusto ko pang maggym kesa panoorin sila.
"FUCK!"
I pulled the car on the side, gustuhin ko mang maging malakas hindi ko parin maikakailang ang sakit. "TANGINA ang sakit! Bwesit!"
Matagal akong nakarecover sa kakaisip paano magrelax. Hindi ako papayag na lalaki ang anak ko na sya ang kilalang ama.
Kaya bago ako nagpatuloy sa pagmamaneho kinalma ko ng sarili ko. Pagkapark ng kotse ko labas ng building mabilis akong umakyat at tinungo ang unit ko. Pagkapasok ko sabay ding tumulo ang mga luha ko.
Parang iniipit ang puso ko na hindi ako makahinga. Gustuhin ko mang maging malakas pero ito na naman ako, itong-ito yun eh, ganito yun kasakit noon.
Suking-suki na talaga ako ni 'busted'
Binigay mo na nga lahat, sasaktan ka parin. Amputa!
"FUCK YOU KARMA!" hindi ko napigilan ang sarili kong mapasigaw sa inis. "ang gago mo kasi sinabihan kanang huwag nang umasa putang ina umasa ka parin! Pumusta kapa!"
Kahit anong saway ko, iba parin ang bulong ng puso ko sa sinasabi ng isipan ko.
Ilang besis akong nagpakawala ng malalalim na hininga para irelax ang sarili ko. Kung magpapalunod ako ngayon sa letcheng pag-ibig na yan matatalo lang ako. "Putcha! Hindi ako talunan mga gago kayo!"
Humakbang ako papuntang counter bar at kumuha ng kahit anong makayang abutin ng kamay ko. Bubuksan ko na sana ang boteng hawak ko, pero di ko na tinuloy nang makita ang basong ginamit ko kagabi.
"FUHH!"
Tumayo ako at binalik ang bote. Naisip kong hindi ako loser para maglasing at magpakagago dito.
"Kasal kami, mas may karapatan ako sa kanya!" bulong ng isipan ko.
"magiging daddy na ako, magkakapamilya na kami. Everything will be fine! EVERYTHING!" mabilis kong pinulot ang nilapag kong susi sa mesa at nagmadaling lumabas ng unit ko.
"para-paraan tayo ngayon!"
Gamit ang hummer ko, nagmaneho ako papunta sa opisina. Kukunin ko ang papel at susunugin. Susunugin sa harapan ny---
"yes Miller boi!" bigla nalang sumulpot ang kumag.
[hey hey hoo!] gago! [sure na ba ang yellow pink purple? Nasa home plus kami ngayon nina Shin]
"oo, sure na. Kelan kayo magsisimula?" napangiti ako habang may naglalarong plano sa isipan ko.
[mamaya magsusukat na kami ni Shin]
[pwede na ba?]
"sure, ill call Allan para tulungan kayo"
[san ka pala ngayon?] chismoso!
"susunduin si Aye" pasimply kong sagot.
[oh! Dapat bilisan mo ha?] nangunot ako sa sinagot nya sa akin, may tono pa itong kakaiba.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...