mustamos pipz? cold morning everyone!
CHAPTER 38
{Alex POV}
Isang linggo nalang at makakauwi na ako. Halos mag-iisang buwan narin akorito. Araw-araw may pictorials, may training, may shooting at promotion.
Kunting tiis nalang at makakauwi nadin ako. Im planning to drop this job and focus on my business at investment nalang. Paano ako makakabawi kay Irah kung lagi akong nasa malayo?
Pagod akong nakahiga sa kama ko at pinagmamasdan ang mga bagong post nina Camilla at Mika na mga pictures kung saan kasama nila si Irah. Nilalike ko lahat ng picture na naroon sya.
After noong kinantahan ko sya naging okay na kami, hindi gaano dahil suplada parin pero naaaliw nalang din ako. Matagal na syang mataray at suplada sanay na ako pero simula nong pinaglaruan ko yung mga pills nya parang naglevel-up ata pagsusuplada nya at pagtataray sa akin.
Umaga yun at nauna akong magising sa kanya. Nasa plano ko lang sana ay sa bahay ko sya dadalhin, pero habang nasa banyo ako at naghihilamos. Binuksan ko ang cabinet at nakita ang nakakarton na mga tabletas.
Pagbukas ko, nagtaka ako sa kakaibang uri ng mga ito, may arrow pa at number na nakasulat. Ang sabi nya sa akin noon, vitamins nya raw ang mga yun sa stress. Naniwala naman ako kahit ang noo nagdududa narin ako.
Dahan-dahan kong kinuha ang phone ko sa side table at niresearch ang pangalan ng vitamins nya.
Napaangat ang isang daku ng labi ko nang malaman na proteksyon pala ang mga yun para hindi mabuntis. Sa sobrang inis ko, pinang butasan ko lahat at pinagtatapon sa basurahan para wala syang magamit.
Kasal kami, legal at may mga trabaho na. Tangina kahit manganak pa sya ng isang dosena kayang-kaya ko silang buhayin habang buhay. Ano naman ang kinatatakot nya?
Napangisi ako sa ginawa kong kagaguhan.
Lumabas at hinanap ang bag nya, tahimik akong lumabas ng kwarto at sa salas na nagikot at naghalughog ng lahat ng laman ng bag nya.
Napangiti ako nang makita ang pagkakaiba ng mga babae sa mga lalaki. Ang bag ng babae ang daming laman, pero ang mga lalaki, tatlo lang. Wallet, phone at ballpen. Pero itong sa kanya may tatlong pouch sya, isang pouch para sa make-up, isa para sa mga napkin, tisue, panty at safety pins? Isa naman para sa gamot? Nakita ko ang kapareho ng nasa banyo kanina, kinuha ko ito at tinapon sa basurahan.
"bubuntisin kita para matuto ka!" saway ko.
Kaya instead na sa bahay kami pupunta, dumiretso kami sa isla. Maaga akong nagbook ng tickets namin para makapunta doon.
Pagbalik namin galing isla at bago ako umalis pabalik dito sa Milan, nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan. Its my fault. Pinakialaman ko ang mga gamit nya. Kung siguro naging careful lang ako at mature para itanong sa kanya o hingin sa kanya na gusto ko na magkaroon ng sarili kong pamilya, baka maintindihan nya rin.
Napangiti nalang ako, tapos na yun at okay na kami. Kailangan ko lang bumawi ng bigtime!
Simula ng bumalik rin ako dito, hindi na ako lumalabas pa kasama ng barkada. Nag-iingat ako sa posibilidada na maakit ako at makagawa ng kasalanan. Sa trabaho kong ito, dakila ka kung hindi matukso kaya para makaiwas, ito ang paraan ko. Natutulog ako tuwing gabi at sa umaga kahit walang trabaho nag-iikot ako at binibusy ang sarili para hindi makasama sa kanilang mga bonding.
Kasama kasi sa barkada si Ivona na ex fiance ko. Magkaibigan parin naman kami pero hindi talaga mawala na minsan matukso kaming mag-usap. Lalo na't isang manager lang kami.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...