Part 5

38.5K 738 16
                                    

THANK U PO SA LAHAT NG SUMUSUPORTA KAY ALEX AND IRAH!

CHAPTER 5

{Irah POV}

Malakas ang ulan, badtrip pa talaga kasi nag-overtime ako ngayon at hindi ako nakasabay kina Janus at Jana kanina. Kung alam ko lang na uulan ng ganito kalakas sana maaga narin ako umuwi kanina.

"Maam Irah, tatawag nalang po tayo ng taxi" sabi ni Kuya Leo, sya ang lider ng mga night shift guards.

"sige po Kuya, kasi imposible na po talaga na titila ang ulan" umupo ako sa mga upuan nakahilera para sa mga waiting guest namin.

Napatingin ako sa relos ko, plano ko sanang maglakad lang papunta sa chowking, sa bus stop at magbubus nalang ako pauwi ng condo.

Minsan lang kasi talaga ako makapaglakad-lakad, at least lang man sana makatipid narin ng kaunti kahit papano.

"maam, wala pa raw bakante" desperadong sabi ni Kuya.

Tumango ako niyakap ang sarili ko sa lamig, inuwi ko kasi ang mga jacket ko kahapon para mapalabhan. Nakakaluka naman kasi ang klima dito sa Pilipinas, nakakasunog ang init kaninang umaga tapos ngayon nakakabrongko ang lamig.

Antok na ako at gusto nang bumigay ng mga mata ko pero wala paring good news si Kuya Leo about sa taxi.

Sumandal ako at pumikit sandali para makaidlip habang nag-aantay ng taxi, pero hindi paman inabot ng isang minuto, may tumigil nang SUV sa harap ng main door ng building.

Bumaba si Kovda na may bitbit sa isang kamay nya. Imbes na magpakapal mukha sa harapan nya at makisakay, nagkunwari nalang akong tulog at hindi sya nakita.

"ahem!" ramdam ko ang presensya nya sa harapan ko pero nagpatuloy parin ako sa pagkunwaring tulog.

"kung hindi ka tatayo dyan, aabutin ka talaga ng umaga dito" sabi nya.

Hindi ko sya pinansin. Mga yapak na ang sunod kong narinig. Napatayo ako bigla para sana tawagin sya, bahala na. Pero nanlaki ang mga mata ko nang nakatayo parin sya sa harapan ko at nakahalukipkip ang mga braso nya.

Inis akong umupo at umirap. Kainis!

"Tsk!" napailing sya at inabot sa akin ang hawak nya.

"ano toh?" nakataas ang kilay ko.

Nagtaas din sya ng kilay nya sa akin. "suriin mo, baka trapo yan, pangpunas sayo kung mabasa ka mamaya"

"sarcastic!" umirap ako at sinuri nga, isang hoody na nike air na sweat shirt na di zipper ang harapan. Walang pakemi-keming sinuot ko agad ang jacket, naku teh mag-iinarte pa ba ako kung halos kinakabag na ako sa lamig.

"ihahatid na kita" sabi nya at hinablot ang kamay ko at hinila ko.

"uy Kovda marunong ako maglakad, bitawan mo nga ako" pilit kong hinihila ang kamay ko pabalik pero mahigpit ang hawak nya rito.

Napayuko ako nang mapansing may mga ngiti nang naglalaro sa mga mukha ng mga staff namin.

Pinagbuksan nya ako ng pinto at inantay na makapasok, medyo nahirapan pa ako kasi maikli ang suot kong damit at medyo mataas ang sasakyan nya. Napatingin ako sa kanya, malay mo manaig ang anghel at tulungan nya akong makasakay ng maayos.

"yan, pasexy pa more!" kantyaw nya habang pinagmamasdan akong nahihirapan makaakyat.

Kita mo na? Nunkang tao toh? Maniwala ka?

Umirap ako at walang pake kung masilipan man ako, inangat ko ang isang paa ko na syang dajilan para maangat ang suot ko. Inakyat ko ang sasakyan nya para makaupo ng maayos. 

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon