may nagrequest ng picture ni Alex.. ito po sya.
CHAPTER 7
{Alex POV}
"model karin ba Irah?" kanina ko pa napapansin na sa kanya lang nakatitig si Mom, malapad ang ngiti at nagpapacute.
"hindi po tita" yumuko si Irah at nahihiyang ngumiti.
"anong tita, call me Mom from now on" saway ni Mom na kinataas ng isang bahagi ng kilay ko. "Mom?" nangunot ang noo ko.
"oo Mom, legal na kayong kasal kahit hindi kayo nang-imbita, mahal mo sya at mahal ka nya. Sino ba naman ako para ipagdamot ang titulong maging ina mo narin" ngumiti si Mom at nakuha pang magbiro? Si Irah mahal ko? Mahal din ako? Tangina! Kelan pa?
"Mom, dont force her" saway ko kay Mom, eversince kasing lumaki kami ni Kuya nangungulit sya lagi na maghanap na kami ng mga girlfriend namin para may kabonding na sya. "baka hindi nayan bumalik dito" napailing kong sabi.
"Aww!" nagulat ako nang pinalo nya ang braso ko.
"she's your wife Lexo, how dare you to say that. Pati ba naman ang bahay mo ipagdadamot mo pa sa kanya?" saway ni Mom sa akin.
"naku Irah, pagpasensyahan mo na ang anak ko. Hindi ko sya pinalaki ng ganyan, ewan ko ba kung saan sya natuto maging madamot" ngumuso si Mom na kinakunot lalo ng noo ko.
"naku po Tit--"
"Mom, call me Mom ija" makulit ka rin Mom noh? Hindi halata?
Ngumiti si Irah, namumula ang pisngi nya. Plastic!
"hindi naman po madamot si Alex sa akin, lahat naman po ng kailangan ko bilang asawa nya binibigay nya sa akin" hinaplos nya ang braso ko at hinawakan ang kamay ko.
Nagtaas ako ng isang kilay sa kanya na sinuklian nya naman ng ngiti.
"ahhhh... Ang sweet nyong tingnan" ngumiti ako kay Mom habang pinipisil ang kamay ni Irah na nakapatong sa kamay ko.
Nakangiti sya habang pilit na inaagaw ang kamay nyang iniipit ko sa mga daliri ko. Anong palabas ang pinaplano ng babaeng ito.
"sa condo ka ba nya nakatira anak?" napalingon kami pareho ni Irah kay Mom, pero kay Irah sya nakatitig.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...