CHAPTER 40
{Irah POV}
Isang linggo na ang nakalipas at isang linggo ko naring pinag-iisipan ang mga sinabi ni Rosie sa akin sa huli naming pagkikita.
Tama sya walang mawawala kong pupusta ako. Win-win naman kahit papano. pinilit kong gisingin ang diwa ko at hinila ang sarili kong bumangon mula sa kama. Tuwing umaga ganito ang problema ko. hindi ko alam pero ang tamad ng katawan ko.
Simula ng umalis si Lexo para na akong nawalan ng lakas. Namimiss ko sya ng sobra pero naiinis naman ako tuwing kausap sya. Ewan... ayaw ko na ngang isipin sya minsan para hindi na madagdagan ang kabaliwan ko sa kanya.
Pumapasok ako sa opisina pero wala akong gana. Madalas narin akong nahihilo at namumula.
"maam lunch lang po kami sa baba" si Jane.
Tumango ako at ngumiti.
"Maam are you okay?" nangunot ang noo nya. Ngumiti ako at tumango.
"im fine Jane, pagod lang ako" sabi ko na pilit nya namang kinatango.
Pagkasara nya ng pintuan, pinihit ko kaagad ang drawer at kinuha ang salamin. Pagkakita ko sa sarili kong maputlang-maputla, agad kong kinuha ang lipstick ko at naglagay.
Tumunganga lang ako sa opisina ko, naubos lang ang lahat ng oras ko sa kakaisip kung ano ang kakainin ko.
"Gusto ko nang pancit malabon, yung walang gulay. Yung hindi oily, yung maraming cabbage, ewan!"
"Gusto ko din ng kape, pero yung walang sugar tsaka hindi mainit ang tubig. Huwag nalang baka mas lalo akong mapagod."
Yan ang takbo ng isipan ko buong umaga. Kaya naman hanggang ngayong lunch wala parin akong maisip na kakainin.
LANGGA Calling.....
"hello" pagod kong sinagot ang tawag nya.
[how's my hot wife] energetic naman nya masyado. Nakakahiya naman ang energy nya.
"ito malamig na!" wala sa sarili kong sabi.
Napatawa sya, nangunot naman ang noo ko. Gago! Anong trip nya para pagtawanan ako? "tumawag ka ba para pagtawanan lang ako? Huwag kanang tumawag pa hanggang bukas!" inis kong sabi.
[Ga, sorry na. Sorry ga. Sorry na] may lambing sa boses nya.
"plastic!" napanguso ako. "pwede ba Mr. Kovda tigilan mo nga ako. Wala pa akong maisip na kainin kaya huwag ka munang manggulo." mabilis kong binaba ang tawag nya. Nakakainis.
Tumonganga ako ulit at nag-isip. Tama Peanuts nalang ang kakainin ko. Masaya akong tumayo at kinuha ang wallet ko sa bag at nakangiting lumabas ng opisina.
Naglalaro sa isipan ko ang nilulutong mga mani sa canteen.
Pagbukas ng elevator, nakasabay ko ang dalawang babaeng makapal ang mga labi, hindi lipstick ang makapal kundi labi at nakakarindang tingnan.
Tumaas ang gilid ng labi ko kasabay ng kilay ko.
Umatras sila para bigyan ako ng mas malaking espasyo.
Sa loob ng elevator, nagtitimpi ako sa tunog ng mga boses nila. Akala ko labi lang nila ang makapal, pati din pala balat.
"pinalitan kanina ang poster ng mga share holders, ang gwapo ni sir Miller no? Si sir Alexander din"
"oo nga eh, ang cute nila don" parang kinikiliti silang pareho. Pwede bang sampalin para matahimik?
"si Fred ang pormal tingnan, si sir Klitz naman ang lakas parin ng appeal" para silang iniipit sa likuran ko na pinipigilan ang tili nilang pareho.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...