Part 13

28.5K 605 2
                                    

CHAPTER 13

{Alex POV}

Masaya si Mom na nakita kaming magkasama ni Irah sa condo ko. Paniwalang-paniwala syang nagmamahalan kami lalo na't malambing kong kinukulit si Irah habang kumakain kami.

"im happy to know that my son's wife can cook, at least hindi na ako mahihirapan pang mag-alala kung nakakakain ba ng maayos ang anak ko" sabi nya. Sarap na sarap sya sa niluto ni Irah.

"nasaan si Irah?" tanong ni Mom nang hindi na lumabas ng kwarto si Irah after naming kumain.

"baka naliligo na Mom" walang gana kong sabi, naglalaro kasi sa isipan ko na nakikipaglandian na naman yun sa lalaki nya.

"naku anak, tell her na huwag magbabad, basta pagod ka hindi pwedeng magbabad sa tubig para hindi ka mapasmado" sabi nya.

Tumango ako at tumayo, pumasok ako sa kwarto at naabutan ko syang katatapos lang maligo at nasa harap ng phone nya ta busy sa kakatext.

Inis ko itong inagaw sa kanya at inoff ang phone nya na kinagulat nya.

"what the hell?" galit nyang inagaw ang phone nya sa akin pero nabigo lang sya ng nilagay ko ito sa loob ng bulsa ko.

"umayos ka nga Irah, may asawa kang tao pero harap-harapan ka kung maglandi. Anong gusto mong sabihin at isipin ni Mom sayo? Na hindi ka matinong babae? Nasa teritoryo kita kaya respetuhin mo ako at may penirmahan kang kasunduan." galit kong sabi sa kanya.

Pumiglas sya at pilit nyang inaagaw ang phone nya. Pero hindi nya makuha sa akin.

"umayos ka nga Irah!" inis kong saway sa kanya.

"ikaw ang umayos Alex, akala mo ba madali sa akin tong pinapagawa mo. Hindi mo lang ako pinapahirapan gago ka. Iniinsulto mo pa ang kalagayan ko" tinulak ko sya at inis na napaupo sa dulo ng kama nya. "marami namang paraan para masettle at mawalang bisa ang NSO" tumulo ang luha nya. "pareho lang tayong biktima dito, pero sa ginagawa mo sa akin, parang ako ang pinupunto mong may kasalanan"

Napahugot ako ng hininga, pinagmasdan ko syang pagod na pumipigil sa inis nya.

"huwag kang magdrama dyan, kung nahihirapan ka sa sitwasyon mo, mas nahihirapan akong pakisamahan ka" tumalikod ako at lumabas ng kwarto. Pagkasara ko ng pintuan, napayuko pa ako. "sorry na, naguguluhan lang ako Aye, sorry?" bulong ng isipan ko.

"nasaan na si Aye?" si Mom.

"nakatulog na, sobrang napagod kasi yun Mom kanina sa opisina. Nagovertime sila para makasama siya sa Cebu next week" nakangiti kong sabi.

"huwag mo syang hayaan palaging mag-overtime, baka mahirapan syang magbuntis nyan." sabi ni Mom na kinatango ko nalang.

"Its so surprising na nagpakasal kang hindi na nagpaalam. How much do you love Irah anak?" bglang natanong ni Mom na nagpahinto sa akin ng pagsubo.

Napaisip ako sa isasagot ko kay Mom.

"she's not perfect but she can make me happy whenever she's around me" ewan ko paano yun lumabas sa bunganga ko. Am so gay!

"yung tipong, natutuwa ka kahit walang nakakatawa, gustong-gusto mo syang inisin all the time para bumusangot sya sa inis." dagdag ko pa.

Napatango si Mom na napangiti. "your inlove!" sabi nya, napaubo naman agad ako.

"siguro?" napataas ang kilay ko.

"alam mo ba anak, hindi naman dapat ako ang pakakasalan ng Dad mo. Yung tita Ynesse mo, kaso nabuntis ito ng kasintahan nyang sundalo kaya tumakas sya. Para hindi mapahiya ang magulang nya, ako ang pinakilala nila sa Dad mo bilang Ynesse na kunwari pen pal nya" nagulat ako sa kwento ni Mom, revelation time ba to?

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon