Part 62

21.7K 454 30
                                    

CHAPTER 62

{Irah POV}

Nagising ako sa malakas na sinag ng araw at sa sunod-sunod na pagsipa ng baby ko. Kahit nahihirapan ako, bumango parin ako at tiningnan kung nasa tabi ko na ba si Lexo.

Tipid akong napangiti nang malaman na hindi sya natulog sa tabi ko, wala pala sya, wala parin.

Inayos ko ang higaan, inayos ang kurtina at naghanda, nagpalit ng damit at bumaba.

Nasa hagdan ako nang mapatigil ako. Naaamoy ko kasi ang masarap amoy ng nilagang baka ni Mom at ganiting amoy na nakakagutom.

Halos liparin ko ang hagdan pababa para lang makarating at silipin kong si Mom nga talaga ang nagluluto.

"Mom!" sigaw ko mula sa kalagitnaan ng hagdan.

"Careful!" saway nya sa akin.

"Mom!" mas excited akong bumaba pa, I miss her so much. Niyakap ko sya ng mahigpit. "Kelan ka dumating?"

"Kanina pa seven" tinuro nya ang orasan, nagulat ako nang makit ito. Alas onse na pala.

"Sorry, kagigising ko lang!" napanguso ako.

Tumango sya at ngumiti.

"Your awake!"

Napalingon ako boses ng nagsalita. Si kuya. Nakadamit pambahay narin sya  at madumi ang kamay. "Bakit madumi ang kamay mo?" tinuro ko pa ito.

Napangiti sya at umiling, "nilinis kasi namin ni Lexo ang hummer" dumiretso sya sa kusina.

"Bilisan nyo at kakain na tayo" si Mommy.

Ginapangan ako ng kaba lalo. Paano kong iopen nila ang tungkol dyan mamaya, paano ko maipagtatanggol ang sarili ko?

"Okay ka lang aye?" nagulat ako sa tanong ni Mom.

"O-oopo!" tipid akong ngumiti at sumunod sa kanya sa kusina.

Napangiti ako nang makita ang mga naluto nang ulam. "Mom maaga po ata kayo dumating?"

"Kasi kabuwanan mo na, you need me here" napangiti sya.

Napahawak ako sa tiyan ko. Oo, ilang araw nalang at nasa last month ko na.

"Ikaw kuya bat ka nandito?" napatingin ako sa mukha nyang nakangiti sa akin.

"Akala ko kasi nanganak kana" tawa nya.

"Wee?" nguso ko.

"Nah, just wanna have fun with you guys" kumindat sya.

Bakit ba ganito si Lexo, lahat nalang inaayos nya para hindi ako magkaproblema kahit sya ang nahihirapan. Tulad nito alam kong pinapunta nya dito sina Mom at kuya para hindi ako mahirapan at masaktan. Alam ko strategy nya to.

Kumuha ako ng isa sa camaron na nasa harapan ko.

"Gising kana pala!"

Halos mabitawan ko ang camaron sa gulat. Ginapangan ako ng kaba lalo na nang lumapit sya.

Tumayo sya sa harapan ko habang pinupunasan ang kamay nya. Hindi ko kayang mapatingin sa kanya. Ayoko, hindi ko kaya.

Pinulot nya ang camaron na nahulog at kinain. Kumuha sya ng bago at inabot sa akin. "Good morning!" bati nya. Hinalikan nya ang gilid ng ulo ko at nilampasan ako.

Halos matunaw ako. Ramdam ko ang panginginig ko.

"Ate Aye, telepono" si Allan.

Sinundan ko sya sa salas. Sinagot ko ang telepono at napangiti nang malaman na sina Pau at Sitti ang nasa linya.

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon