Part 10

33.3K 612 10
                                    

CHAPTER 10

{Irah POV}

Maaga akong nagising dahil pupunta ako IU ngayon para sa masteral ko. Gusto kong mag-aral ulit.

Ako:
Lalaki, itext mo sa akin yung ipapakuha mong records sa IU.

Nasabi nya kasing wala syang oras para puntahan ang IU, kaya kahit labag sa loob ko oo nalang kasi nakapaasa na ako sa kanya.

ALEX:
FUCK YOU!

Ako:
Masyadong maaga ka naman ata naglalambing!

ALEX:
Im absent today bcoz of ur fuckin'coffee!

Ako:
Hahahah! Ganun ba? Why?

Napatawa ako! I told yah! Huwag akong hamunin.

ALEX:
Nasa condo ako! Alagaan mo ako dito para makaduty ako bukas!

Napatigil ako, ang kapal lang! Sobra! Anong akala nya sa akin nurse? Yaya nya? Bahala ka sa buhay mo!

Ako:
Sorry Langga1 medyo busy kasi ako ngayon. Kaya mo na yan.

Nagkape ako at hindi na muli sinilip ang phone ko. May plano lang yung gumanti kaya nya ako pinapapunta sa condo nya.

Habang nasa IU na ako, napansin kong wala na nga talaga syang reply sa akin. Ano kaya ang pinapakuha ng mokong na yun?

Naisip kong tawagan nalang para don sa pinapakuha nyang papeles dito sa school. Baka kasi hirangin pa ako ng lalaking yun na madamot sa effort kung hindi ko makuha yun.

Nakailang ring na pero hindi nya sinasagot. Ilang besis akong sumubok par naman may maipakita ako kung magkataong mang may singilang magaganap.

[hello] pagod at antok ang boses nya.

"grabe ha? Ang tagal mong sumagot!" reklamo ko.

[im not feelin' okay now Aye, please be kind] pabulong nyang sabi.

"arte mo ha? Ano pala nangyari sayo?" pagatataray ko.

[ask your naughty self what did you put on my coffee yesterday!] pagod nyang sabi.

Napatawa ako, "kape lang yun ha? Huwag ka ngang oa dyan!" umirap ako kahit hindi nya ako nakikita. "nandito na ako sa school, ano yung ipapakuha mo?"

Hindi na sya sumagot, tanging malalim nyang hininga ang naririnig ko.

"hoy Lexo, nagmamadali ako" inis kong sabi.

"hoy!"

Sinilip ko ang screen at napanganga nang makitang tatlong minuto na akong nag-aantay pero ang bwesit tinulugan ata ako.

Inis akong umalis sa harapan ng Registrar's office. Nagtaxi ako papunta sa bahay ng bipolar na lalaking yun, malakas siguro nihithit kaya naoverdose.

Pagdating sa condo nya, dumiretso ako sa front desk.

"good afternoon Maam" tipid ang ngiti na binigay ng babae sa akin.

Ngumiti muna ako ng maayos bago nagsalita. "room number ni Mr. Alexandro Kovda?"

Nagtaas sya ng isang kilay sa akin at sinuri ako. "may appointment po ba kayo maam?"

Tumango ako, "i need to see him, may kailangan akong papermahan sa kanya"
May dinial sya sa telepono, matagal itong naghintay bago nya inulit, tsaka binaba. "im sorry maam, wala atang tao sa unit ni Sir ngayon"

"kakatawag nya lang sa akin, kaya ako pumunta dito" nagtitimpi ako.

"im sorry po talaga maam, pero wala po kasing naiwan na appointment at wala rin pong sumasagot sa telepono mam" plastic itong ngumiti.

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon