Sa lahat ng nag-aantay... salamat. Sisikapin ko pong makapag-update ng mas mabilis... thank you po ng marami sa suporta! :)
CHAPTER 53
{Irah POV}
Dahil may kasunduan kami ni Lexo na kapag babae ang magiging anak namin ako ang magbibigay ng pangalan, kahit anong mangyari ako ang magbibigay ng pangalan.
Halos maluwa ni Cristy ang iniinom nyang pineapple juice nang makalayo si Lexo sa amin. "pigilan mo gaga!" saway ko nang halos hindi nya na makontrol ang nasa bunganga nya.
Dahan-dahan nyang nilunok yun at tsaka tumawa ng tumawa.
"san galing yung mga pangalang yun?" natatawa nyang tanong.
"Umayos ka nga baka bigla syang bumalik at makahalata syang pinagtitripan natin sya" saway ko rito.
"Nakita mo ba yung mukha nya? Namumula na at tsaka ganun pala magalit si Alex?" pagtataka nya. "talaga obvious sya kung hindi nya gusto" umiling pa ito.
"May naisip na akong pangalan pero gusto ko muna syang pagtripan para makita ang reaksyon nya" uminom ako ng juice habang nasa direksyon ng dinaanan nya kanina ang mga mata ko.
"so ano na ang final na a.k.a ni baby?"pigil tawa nyang tanong.
Katext ko sya kagabi, sabi ko gusto kong inisin si Lexo ngayon. If babae ang baby namin matutuloy pero kung lalaki huwag na. Ito naman ang bully ko ring kaibigan eh todo suporta naman at mas naluka ako sa mga pangalan na binigay nya.
"Maria Diosdida Teodora" at kinindatan ko sya nang marinig nya ang pangalan na sinabi ko.
Napalakas ang tawa nya na halos may ilan-ilang napalingon sa ginawa nya. "ano kaya kung mas pikonin natin sya?"
Mabilis ko syang sinaway nang makita si Lexo na paparating.
Para hindi mahalata, umarte agad sya na kinatawa ko hindi dahil sa sinabi nya kundi sa galing nyang makapasok ng linya.
"alam mo yun, hindi ko talaga sinasadyang ipasok yung papeles at maabutan silang ganun ang ginagawa" sabi nya. Hindi ko alam kong ano at sino ang tinutukoy nya.
"tapos anong ginawa mo?" tanong ko.
"ayun, kunyari nagstay ako at nagulat pero yung totoo gusto ko lang talaga makita paano sila magmamadaling magbihis" tawa nya.
Napataas ang isang daku ng kilay ni Lexo sa kwento nya.
"Putcha, umungol pa talaga sila" bulyaw nya. "at tsaka mga Tangina hindi man lang sila natinag"
Pansin ko ang pagyoko ni Lexo at pag-iling. Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil sa ibabang table.
"shit!" sigaw kunwari ni Cristy ng tumunog ang phone nya.
Loka-loka talaga itong babaeng ito, makatrip ang lakas!
"Putcha, Aye may nag-aantay pala sa akin sa bahay, yung titingin ng apartment. I need to go ahead" paalam nya.
"okay, ingat ka teh" tumayo ako para mayakap sya.
"bakla ingatan mo yang tiyanak sa tiyan mo ha?" paalam nya. Napangiti ako at napatango.
"Alex, mauna na ako" kaswal paring tumayo si Lexo at nagpaalam.
"yung pangalan ha, final na yun" habilin nya.
Tumango ako at nagpaalam.
Naiwan kami ni Lexo na magkaharap at nagkatitigan, I can read his mind now. Partly disappointed.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...