CHAPTER 32
{Alex POV}
Nasa tabi kami ng pool at nag-uusap na magkakabarkada, pinag-uusapan namin paano simulan ang housing project namin.
Ako:
Ga, u ok der?"
Text ko, kanina pa kami hindi nagkita. Nasa loob sila at nag-uusap din. Huling kita ko sa kanya kanina buhat-buhat nya si Xian na aaliw sa kanya nya habang masaya naman syang tumatawa sa halakhak ni Xian.
WIFE:
Yup! Were cooking wyl chattering!
Napangiti ako at binalik ang atensyon sa pinag-uusapan namin.
"san mo nga binili yung crying alarm mo dati kay Sitti?" biglang pag-iba ni Miller ng topic.
Nangunot ang noo ko sa kanya. He's so obsessed with his little Adam.
"si Shin tanungin mo bago lang nakabili yun" sagot ni Klitz.
"Shin?" napadungaw si Miller sa kanya. Nangunot ang noo ko sa ginagawa ni Miller.
"sa Mall lang yun, pinahanap ko kay manong June" sagot ni Shin sa kanya.
"sige punta nalang ako sa Hans" sabi nya.
"bakit pala?" tanong ko.
"kasi si Adam every morning kapag maiwan sa kwarto umiiyak. Kawawa naman kasi hindi agad namin naririnig lalo na kapag nasa baba kami" paliwanag nya.
"true, ganun din si Sitti noon. Napapaos sa kakaiyak bago namin marinig" napapangiting sabi ni Klitz.
"pero effective yung crying alarm" sabi ni Shin, "parang microphone lang"
"bibili ako non" nakangiting sabi ni Miller.
Napataas ang isang daku ng kilay ko, parang hindi ako sanay na ganyan sya. Yung tipong mature na masyado.
"ikaw Lex, bilis-bilisan mo na yang paggawa nyo ni Irah sayang lang kung hindi makahabol ang anak mo sa henerasyon ng mga anak namin?" si Klitz.
Natawa ako. "sa tamang panahon Klitz" kinindatan ko sya.
"ikaw din ang kawawa kung bunso ang sayo!" si Miller.
"Nah!" napailing ako. "hindi pa naman nagmamadali si Irah" palusot ko pero sa loob-loob ko naiinggit na ako.
"baka naman ikaw ang hindi pa handa?" si Shin.
Napatitig ako sa kanya.
"oo nga, baka naman nababakla ka lang bro?" si Miller.
Mas naningkit ang mga titig ko nang magsalita sya.
"ako?" tinuro ko ang sarili ko. Napailing ako. "humanda kayong dalawa, pag ako nagkaanak sisigaraduhin kong babae para pag-aagawan ng mga anak nyo" sabay turo sa kanilang dalawa.
Napaubo si Shin habang napanganga naman si Miller.
"Bro relax, hindi pa nga natin alam kung makakabuo ka o hindi" si Klitz.
Nagpigil tawa ang dalawa sa sinabi ni Klitz. Habang ako naman napailing nalang.
"Fuhh! Prenepressure nyo ba ako!" inis kong sabi.
"no!" sabay nilang sabi.
"gusto ko lang magkaanak kanarin Bro, tumatanda na tayo" si Klitz.
" and iba bro, iba ang feeling!" si Miller.
"stop it Mill, you look stupid. Your too obsessed with your son!" irap ko.
Natawa si Klitz habang si Shin naman napailing.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...